Pagasa? Crush?
Ano ba yang mga yan?
Sumpa nyo pa sa moon! Walang kwenta yang mga salita na yan!
Ilang beses na akong napaasa sa mga yan.
Di ako bitter ah. Sadyang allergic lang ako sa mga ganyan.
Ang dami ngang mga kabataan ngayon na nahuhumaling at nabubulag sa mga ganyan e.
Kesyo "masarap daw magmahal" kesyo "parang nasa heaven". Nuyannn turon? XD
Pinapaasa lang kayo ng mga salitang yan. Pinapaasa kayo na balang araw mamahalin kayo ng mga taong gusto/mahal nyo.
Eh pano pag may mahal din silang iba? Edi nganga ka? Yan tayo e.
Aasa ng aasa pag nasaktan kanta ka na lang ng "saksak puso tulo ang dugo patay tanga si ateng iyak iyak na".
Pero, wag kayong magalit sakin! Di naman talaga masamang umasa. Ang masama kapag SOBRA SOBRA na yung aabot na sa point na hahawakan o kakausapin ka lang nya may meaning na agad or mareject ka lang nya magpapakamatay ka na.
Wag ganun masakit.
So, siguro nagtataka kayo bakit yan ang topic. ASA. Sikat kasi yan ngayon, at para na din sa paglaganap ng mga tanga. Tanga sa pagaantay. Tanga sa pagmamahal at tanga tanga sa pag asa.
A- ng pagibig ay masakit
S- obra
A- t nakakamatay
Ilan lang yan sa mga katagang maaring mabuo sa acronym o word na asa. Gago yan e.
Oo alam ko masakit no?
Pero alam nyo ba na kung hindi kayo aasa ay hindi nyo malalaman ang sagot sa iba't ibang bagay?
Ang pagasa kasi ay paghihintay na balang araw ay makakaahon o makakamit mo ang pinaka hinihintay/inaasam mo.
Gaya na lang sa pagaantay sa test result, kung hindi ka umaasa na makakakuha ka ng mataas na score hindi mo na aantayin na macheckan yung papel mo. Yun nga lang minsan kakaasa mong makakakuha ng mataas na score,tapos makikita mo yung papel mo na mababa ,syempre madedepress ka diba? Pero atleast natutu kang magantay. Patience is a virtue mga dre.
So meron akong story na siguradong makakarealate ang mga umaasa jan.
So simulan na natin. XD
************************************************
Ako si Blue. Babae ako wag kayo. 17 na ako grade 11.
Wag na kayong magtanong kung maganda ako kasi isa lang naman yung sagot ko jan. Syempre HINDI.
At syempre gaya ng ibang kabataan jan, naghangad din naman ako na balang araw may magkakagusto sakin sa kabila ng di ko kagandahang itsura. Yung tipong tuwing umaga makakatanggap ka ng good morning with I love you, tapos concern kung kumain ka na, yung may pa-good night sweet dreams i love you sa bawat na gabing matutulog ka, at aantukin ka ng may ngiti sa labi at magigising na parang nakahiga ka sa rainbow sa sobrang kakiligan.
Kaso alam ko naman na hanggang IMAGINATION na lang yun. Aasa pa ba ako?
At gaya ulit ng ibang kabataan, meron akong "crush" oo meron. Syempre "teenager" kuno e.
Hay ewan ko ba, ginaganahan lang naman ako pumasok dahil sa kanya. Oy pero nakakapasa naman ako kahit ganun!
At dahil miss ko na sya... Magpapaalam muna ako para magbihis at pumasok sa mahal kong school.
******
Sa pagpasok ko sa school, nakita ko kaagad sya sa gate.
Nanginginig yung tuhod ko, may nagrerace sa puso ko, nananayo mga balahibo ko at lumilipad ang mga paru paro sa tyan ko.
Ano ba tong nararamdaman ko. Kailan ba to matatapos? Baka bigla na lang ako magcollapse dito.
"Blue!" Omaygad anjan na sya. "Hi Blue! Aga mo ata ngayon ah, gawa mo ba lahat ng assigent?"
