Girl Friend

90 13 3
                                        

Ako si Carmela Tuazon, 16 years old. 4th year high school student. Simple lang ako. Hindi mayaman at hindi mahirap, average lang pero nakayanan naman ng magulang ko na pag-aralin ako sa isang private school.

"Carmela!" Sigaw ng boses sa likuran ko.

Boses palang niya. Alam ko na.

Lumingon ako.

Siya si Matthew. Matthew Gomez. 16 yrs old din. Classmate ko since grade 1. At kaibigan ko.

Oo, kaibigan ko lang. Kahit na may feelings ako sa kaniya, kaibigan pa rin ang trato ko sa kaniya, at siya rin. Di rin kasi parehas ang nararamdamam namin sa isa't-isa.

"Uy! Ano pre?" Sabi ko. 'Pre', tawagan namin. Kaibigan nga lang kasi diba?

"Sabay tayo kain mamayang lunch ha?" Sabi niya.

"Sige ba! Basta libre mo ha!" Sabi ko naman.

"Anong ako? Ikaw naman manlibre! Ako nalang lagi e." Sabi ulit niya.

"Eh kasi babae ako. Lalaki ka. Maging gentleman ka naman." Sabi ko sabay tawa.

Ganyan kami lagi. Nag-aasaran, nagbibiruan, naglolokohan as in close na talaga kami. Pag may problema, tulungan.

Pero nagbago ka... Nagkaroon ka ng bagong kaibigan, mga lalaki. At...

Nagkaroon ka ng nililigawan.

'Ni hindi mo na nga ako makausap nun e. At kung kakausapin mo pa ako, puro nalang ganto ang salita mo,

"Tulungan mo ko kay Andrea ha?"

Siya nalang lagi. Para san pa yung 6 years na friendship natin?! Tanggap ko naman na magkaibigan lang tayo e! Basta close pa rin tayo.

"Pre! Samahan mo ko, bibili ako ng teddy bear para kay Andrea. Ikaw ang pumili ha." Sabi mo sakin ng one time tapos na ang klase natin at uwian na.

"Wag na. Ayoko." Sabi ko sayo. At nag-aayos ng gamit.

"Ha? Bakit naman?" Tanong mo.

"Basta ayoko." Sabi ko ulit.

"Anong 'basta ayoko'? Galit ka ba sakin?" Tanong mo at nakakunot na ang noo mo.

"Hindi. Bakita naman ako magagalit sayo, diba?" Sabi ko in sarcastic way.

"Ano bang ginawa ko sayo?" Tanong mo ulit.

"Wala nga." Sabi ko ng mahina pero may diin. At isinasara ko na ang bag ko.

"Anong bang ginawa ko sayo?! Bakit parang nagbago ka na?!" Sigaw mo sakin. Napatigil ako sa pasasara ng bag ko.

"Nagbago?! Ako?! Ano pang tingin mo sayo?! Sa ating dalawa, ikaw yung nagbago at hindi ako!" Sigaw ko na rin.

"Anong ako?! Wala nga akong ginagawa sayo, ha?!" Sigaw mo ulit.

"Yun na nga e! Wala ka ng ginagawa! 'Ni hindi mo na nga ako makausap diba?! Nagkaroon ka na nga rin diba ng bagong kaibigan?! Nakalimutan mo na nga rin ako diba?! At naalala mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong kay Andrea!" Sigaw ko sayo.

"Walang kinalaman si Andrea dito! At ikaw lang ang kaibigan ko!" Sigaw mo pa rin.

"Oo! Kaibigan! Ako ang kaibigan mo! At Kaibigan mo lang ako!" Sigaw ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan mong tanong.

"Anong ibig sabihin? Manhid ka ba?! Kasi hanggang ngayon hindi mo parin alam na may nararamdaman ako sayo! Na mahal kita!" Sabi ko at napanganga ka.

"Oo! Mahal kita! Matagal na! Pero hindi mo minsan naramdaman 'yon! At ngayon naman, kay Andrea mo ipinaramdam yon! Ako na pinakaclose mo, hindi mo naiparamdam sakin yun, pero kay Andrea oo?!" Sigaw ko parin at may tumulo ng luha sa mata ko.

"I-Im sorry." Sabi mo at nalatulala parin.

"Oo! Sorry! Sorry kasi hanggang kaibigan lang tayo, diba?!" Sabi ko.

"S-sorry. N-naging manhid ako. S-sorry rin k-kasi h-hanggang m-magkaibigan lang talaga t-tayo." Sabi niya sabay yuko.

At natauhan ako sa sinabi niyang yun!

"O-okay lang. Sorry rin kasi kung simula palang napigilan ko na 'to, edi sana hindi na umabot sa ganto." Sabi ko sa kaniya.

"P-pero sana maging magkaibigan parin tayo. A-at w-walang magbago." Sabi ko uli sa kaniya.

Tumango lang siya at umalis na.

Ilang araw, linggo at buwan na ang nakalipas...

Pero nag-iba na ang ihip ng hangin...

Hindi ko na siya naging masyadong close.

Lagi na siyang kasama ng mga bago niyang kaibigang lalaki.

Ako nalang mag-isa: ang kumakain, walang kasabay pumasok, umuwi, maggala at mag-aral. Minsan na lang kami nakakapag-usap.

Nagbibiruan pa rin naman kami pero di na tulad ng dati.

And that hit me!

Hindi niya kayang maging magka-ibigan kami. At ang kaya niya lang ay magkaibigan kami.

Na Girl friend niya lang ako.

Girl space friend.

============================

Girl Friend 👥👌


One -ShotOù les histoires vivent. Découvrez maintenant