Chapter Twenty-Six

Start from the beginning
                                    

                  "Zia is my step sister. Mga dalaga na kami nang magkakilala at tumira sa iisang bahay dahil nagpakasal ang mga magulang namin. And you know what? I loved her as my own sibling! Inintindi ko ang sakit niya. Tinanggap ko siya ng buo. Mas matanda siya sa'kin pero ako pa ang mas naging ate sa kanya! Minahal ko ang kapatid ko ng buo! At ano lang ang ipinalit niya roon?!"

                  Naging mabangis ang mga tingin nito.

Napasigaw si Zoey nang hilahin ni Lucille ang buhok niya. "I got pregnant when I was eighteen. Hindi ako napanagutan ng nobyo ko, alam mo bakit? Because Zia seduced him! You know him? Of course, you know him! He was Luis! He was your father!" she revealed.

                  Zoey's eyes were wide open. "No! No! That's not true!"

                  "Hindi nalaman ni Luis na buntis ako dahil nagmakaawa sa'kin si Zia. Mahal na mahal niya daw si Luis. Huwag ko nang sabihing buntis ako. Magpaubaya na lang daw ako... At alam mong ginawa ko?"

Mas humigpit ang paghila nito sa kanyang buhok. "Nagpaubaya ako! Para kay Zia! Para sa ikasisiya ng kapatid ko! Umalis ako! Lumayo! Pinalaking mag-isa ang anak ko. Kinalimutan ko ang pagmamahal ko sa tatay mo, para sa kapatid ko!"

                  "Lucille, stop!"

                  "No, listen to me!" Pinandalitan siya ng nanlilisik nitong mga mata. Pulang-pula iyon at sobrang talim ng tingin dahil sa galit!

"Ayaw mo bang malaman pa kung anong kabaliwan ang ginawa ng nanay mo? Ayaw mo bang malaman kung saan ka nanggaling? Ha?!"

Hinablot nito ang leeg niya. "Lumayo ako nang nagbuntis ako. Umuwi ako dito sa Pilipinas. Nakitira sa mga malayong kamag-anak. Ang tagal kong nanahimik. Pagkatapos ng ilang taon, biglang dumating ang magaling mong putang ina at saka papatayin ang anak ko? Bakit? Dahil kapag nalaman daw ni Luis na may anak kami, baka hiwalayan siya... baka mawala sa kanya ang atensyon. Baka hindi na siya mahalin!"

                  Zoey cried. Hindi niya alam. Wala siyang alam...

Ang mas masakit pa, dinig na dinig niya sa boses ni Lucille ang sakit at hinagpis sa pagkamatay ng anak nito.

                  "Alam mo ba kung anong ginawa ng nanay mo sa anak ko?" Nanginginig na sa sobrang galit ito. Pilit pinigilan ang mga luha habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. "Well, first, Zia brought her to the cliff. Anong laban ng isang two-year old kapag tinapon siya na parang basura lang sa bangin? Ha?!"

                  "Ah!" malakas niyang daing ng inuntog nito ang ulo niya sa pader.

                  "Nagmakaawa ako, Zoey. Nagmakaawa ako kay Zia... I was crying, begging, and kneeling down! I was bargaining! Lahat ginawa ko. Pero hindi ako makalapit sa kanila, dahil oras na lumapit ako, kayang-kaya niyang bitiwan ang anak ko. Akala ko, mapakikiusapan pa. But Zia was a cracked whore. Pinatay niya ang anak ko!"

                  "L-Lucille, I-I'm sorry... h-hindi ko alam ang ginawa ni M-Mama," iyak niya.

                  Sinampal siya nito nang malakas. "Makasarili kayo! Kahit kailan, kahit sabihin pang may mga saltik kayo sa utak, kahit mga baliw kayo, hinding hindi ko kayo matatanggap! Hinding hindi ko na maiintindihan kung bakit may mga kagaya niyong nandito pa sa mundo! Mga walang silbi! Mga baliw! Baliw! Baliw!" she shouted each word with a slap in her face.

                  "Tama na! Please! Lucille!" Zoey begged. She started shaking in fear. She's here again. Living her nightmare.

                  "You know that you deserve this! You deserve this!"

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now