At ano ang sinabi sa kanya ni Lin? May ipapakilala daw ang ginang sa kanya? Sino naman? May isa pang gumugulo sa isip niya…..

Si Liezel at Rui Xi. Bakit pinapayagan ni Liezel na silang dalawa lamang ni Lin sa bahay? Asawa siya diba? Bakit nasa hotel sila? At ang mga mata ni Rui Xi? Pinaglihi nga lang kaya ito sa mga mata ng kano at tila langit ang mga mata ng bata sa kaasulan? O, baka naman mixed blood si Liezel? American-chinese?

Sumisingit din sa isipan niya ang babala ni Mrs. Ming sa kanya tungkol kay Liezel. Nasaan ang sinasabi ni Mrs. Ming na mataray daw ito? Wala siyang nasasalamin ni katiting na kamalditahan sa asawa ni Lin.

Ahhh!!!! Ang daming tanong….

Mailap sa kanya ang mga sagot…..

It was a simple but elegant royal blue dress. Pareho ang lalim ng ukab ng v-shape neckline nito sa likuran at sa harapan. Sleeveless iyon na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba kung saan naka-emphasize ang mahaba at mahugis niyang mga paa. Humahakab ang malambot na material na ginamit sa impis niyang tiyan, maliit na baywang at bilugang pang-upo niya.

Nangiti siya sa harap ng salamin sa loob ng toilet sa opisina ni Lin. Pilit na pinasukat sa kanya ang damit na ayon dito ay pinabili pa niya sa isang kaibigang galing Singapore. Natutuwa siya sa sariling repleksiyon. Walang sawa siyang umikot-ikot hanggang marinig niya ang sunud-sunod na katok sa may pintuan ng banyo. Nakalimutan niyang sinabihan nga pala siya ni Lin na gusto nitong makita sa katawan niya ang damit. Napalunok si Amanda. Nahihiya siyang lumabas ng banyo. Ang lalim kasi ng ukab sa dibdib. Nakadungaw ang maputi at makinis na cleavage niya. Subalit batid niyang sinadyang i-design iyon sa ganuong fashion.

Inayos niya ang sarili. Huminga ng malalim bago tuluyang lumabas.

Nakaupo sa swivel cahir si Lin nang malabasan niya. Hindi siya nito kaagad napansin dahil nakapikit ito at nagpapahinga.

      “ L-lin,” aniya nang walang ingay siyang nakalapit sa lalaki.

Nakita niyang dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. At naghinang ang paningin nila. Nakita niya rin na napaawang ang bibig nito na tila namamangha.

Nakaramdam ng pagkailang si Amanda. At napatungo. Nag-angat lamang siya ng paningin nang maramdamang papalapit si Lin sa kinatatayuan niya. Nagniningning ang mga matang ngumiti ito sa kanya.

     “ You looked stunningly beautiful in that dress, honey,” puri nito sabay gagap sa dalawang kamay niya.

Napilitan siyang ngumiti. Pakiramdam niya’y nag-blush siya sa papuri nito. “ T-Thank you. B-But--,”

Mga labi ni Lin ang humarang sa anumang sasabihin ni Amanda.

Napapikit siya. Noon niya lang napagtanto na na-miss niya ang mga halik ng lalaki. Iginiya ni Lin ang dalawang kamay niya sa batok nito at hinapit siya nito sa baywang.

     “ I missed you,” bulong ni Lin sa kanya habang titig na titig sa mga mata niya.

Gusto niyang sabihing “ I missed you, too” subalit pinigilan niya ang sarili.

     “ You see me everyday,” sa halip ay sagot niya.

Natawa si Lin. “ You know what I mean, right?”

     “ You know you cannot do this, right?”

Nawawalan ng pasensiyang humugot ito ng isang malalim na bunting-hininga at napatingala sa kisame.

     “ There you are again,” anitong muling ginagap ang dalawang kamay niya sa batok at hinawakan ang mga iyon ng mahigpit.

     “ Lin, why do you keep on insisting this thing to me?”

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon