PROLOUGE
Ano nga ba ang love?
Para sa mga taong nakita na ang other half nila eh love is real. Love nga daw is the greatest thing in the world. Love is when you share everything about you with a person na sobrang mahal mo at hindi mo alam kung pano idescribe yung nararamdaman mo para sa kanya.
Pero pano yung mga taong nasaktan? What would they feel? What would you feel?
What if the greatest thing in this world na nangyari sayo eh iwan ka out of the blue. Anong gagawin mo?
Trsitine's P.O.V
Ako? Ako si Trist. Simple lang walang arte. Mahilig makinig ng music, manuod ng iba't-ibang kinds ng movies, manuod ng anime at gala pero hindi nakikihalubilo sa maraming tao.
Oo fan ako ng anime. A medium where I can be who I want to be with no one to judge me.
Yung buhay ko parang pinag halo Attack on Titan at Ao Haru Ride sa gulo.
Bakit? Kasi masyadong kumplikado. Pero what choice do i have? Pinanganak na kong ganto eh. Might as well embrace it.
Everything was going along just fine until that day.
FLASHBACK
-Grade 6 -
I was alone at school. Lagi naman. Panong hindi eh nakakabagot mga tao dito. Araw-araw lilipas lang to ng ganto - atat na atat ako umuwi para mag laro ng online games at manuod ng kung anu-ano.
Nakaupo ako sa hagdan sa tapat ng room namin pero natatabingan ng pader sa gilid. I always sit here kasi walang pumapansin sakin. Even tho malapit na ko masiraan ng bait dahil sobrang tahimik dahil wala akong kausap at ako lang mag isa okay lang.
"It's better this way" bulong ko sa sarili ko.
Wala ring kasing kwenta makipagkaibigan sa mga taong jinajudge ka na eh hindi ka pa nga nakilala. Kaplastikan no.
Tahimik akong nakatingala sa langit ng biglang may dumungaw sa mukha ko.
"AAAH UNGGOOOY!!!" sa sobrang gulat ko eh naisigaw ko yung unang word na magdedescribe sa nakita ko. Dahil kasi nakatingala ako eh natabunan ng dilim yung mukha nung dumungaw sakin.
"Ay sorry! Hindi ko naman sinasadya gulatin ka" boses ng batang lalaking kasing edad ko ata.
"Ayos lang" sagot ko. Ang cute ng batang to. Sino kaya to. Sakto lang ang mata. Chubby cheeks at parang tutwinkle yung mga mata.
"I just wanna ask why do you keep staring at the sky?" tanong nya
"Hmmm. Ang ganda lang kasi. Nakakakalma" sagot ko and that was true. I love staring at the sky. Pero mas maganda sana to kung kagabi. Stars was fun to watch at night. Oo nga pala. "Teka- Bakit ka pala andito? Halos lahat sila nasa loob."
"Trying to find a place that's quiet" then he smiled at me. Yung na ata ang nakita kong pinakacharming na ngiti sa buong world. Napatitig ako sa kanya kaya nagulat na lang ako ng "OOOOOYYYYYYY!"
"Oy ano?!" sa gulat ko eh napasigaw din ako. Juskoday may inaatake bang bata sa puso na grade 6?
"Yung lace mo..."
Napatingin ako sa lace ko. Malinis at maayos naman eh. Ano bang meron sa lace ko?
"Shigatsu laaaacceee..!!!" nagulat ako kasi alam nya yon. Normally yung mga tao dito puro gadget ang bukambibig. "Mahilig ka sa anime?"
YOU ARE READING
Everything And Love
RomanceA weaby love story full of hatred and tears. Can you handle the pain?
