Ces' :
Simple. Yan ang isang salitang maaring makapag describe sa personality ko. Walang masyadong kaartehan sa buhay at kung anong meron ay kakayanin. Masasabi ko ring ang personality ko ay flexible, pwedeng maging mabait/pwedeng maging maldita, pwedeng demure pero mas lamang ang ugaling baliw :D pwedeng makipagsabayan sa kung ano ang trip mo. I act the way how people treats me. Treat me good and I'll treat you even better.
Patricia Ceszrylle Ramos
Some calls me by my first name but I prefer some to call me by my second.
18 years old.
incoming second year college taking up Business Administration major in Financial mangement in a well-known University.
"Pattyyyyyy! Oh my gosh I really miss you!~~ ^__^" paki cover ng ears nyo at baka mag ka defect sa kaingayan ng babaeng yan-_-
"Uhm. Yeah, me too" walang gana kong sagot.
"Oh? What's with your reaction? Sanay na ako na ganyan ka, pero di parin ako mapanatag pag gumaganyan ka eh. Share naman jan oh. Tss hindi na ako updated sa'yo eh :3 kung bakit ba kasi magkaiba tayo ng university na pinasukan :3" walang kwentang hinaing ng magaling kong bestfriend.
sabado ngayon, walang pasok at wala akong kausap sa bahay kaya nakipag kita ako sa baliw na to.
Charry dela Cruz. Well, classmate ko sya back when we were third year high school. Sya ang isa sa unang kumausap sakin nung kaka transfer ko lang sa school nila. Sa sobrang kahirapan nya kaya kami nag kakilala.lol naki text lang naman sya eh. Wala daw kasi syang load. Mula nong araw na yun, hindi ko inakalang magiging kaibigan ko sya. Isa sya sa she-knows na mga kaibigan ko. Pag sinabi kong "she-knows", alam lahat. at kung tatanungin mo sya kung ano ako?
"Hoy kaibigan kong Maldita na baliw na playgirl! Earth to Pat! Pansinin mo ako bago pa kita layasan. Ke kapal mag ayang tumambay tapos hindi ako papansinin?" Ayan na naman po sya.
Tiningnan ko lang sya ng walang reaction para mas maasar pa sya lalo >:)
Laking pasalamat ko din na may kaibigan akong katulad nya, maasahan kong tagapakinig pag may problema ako, kasabay sa kalokohan at syempre, taga kunsinte sa kasalanan ko kahit labag sa loob nya. Hahah ikaw ba naman may kaibigang mahilig mag laro. Ang laro ko? LOVE GAME ;)
"Uy.. ano na? Hmmm let me guess. May nakalaro ka naman no? Nahulog ka nanaman no?" Charry looked me teasingly. Alam nya kasi ang mga pinang gagawa ko sa buhay ko simula nong High School ako.
It started I think I'm only 14 years old, second year high school when I first started my games. Nagsimula lang naman yun nong may katext ako na mahal na mahal daw nya ako. Eeeh. Hindi pa nga kami nagkikita, ni hindi nya nga nakita kahit picture ko man lang kasi hindi ko binigay sa kanya ang fb account ko. Nag enjoy naman ako sa kanya kaya napag tripan ko sya. Well atleast may katext ako pag bored ako. Hindi naman kami nag tagal nun. Umpisa nun, natuto at nag enjoy na akong mag laro. Kung may manliligaw sakin, sinasagot ko agad, mag papaka sweet, at pag ka sunod na araw ay happy break up ^__^ . Pero may sineryoso din naman ako sa mga nanligaw sakin at minahal ko,yun nga lang out of 10+ , dalawa lang yung sineryoso ko. At dalawa lang ang kononsider kong ex. Ang iba kasi kahit sinagot ko, halata namang trip lang kaya nu-uh, I don't address them as my ex. Well malalaman mo namang trip lang kita pag babe ang tawag ko sa'yo. Baby kasi usually ang ginagamit ko pag seryosos ako.
Napatigil naman ako sa pag muni muni nung napansin kong tumayo si Charry.
"Oy Cha. San ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Uwi na. Wala rin naman akong gagawin" sabi nyang naka pout pa. Hahahah
"Okay fine. Just put your ass here again and I will tell you what's bothering me. Happy?" Sabat ko naman.
"I think my heart is beating wildy again :(" panimula ko
"Who's that lucky guy who made the playgirl fall?" Nakangiting tanong nya.
At nagsimula na akong i kwento ang mga bagay na sana hindi totoo.
*flashback*
(2 months before)
*Summer vacation*
Tsk! Ano ba naman yan. Walang magawa. Busy kasi si Charry kaya wala akong kasamang tumambay.
Hmm ces, isip isip ng pwedeng gawin.
Aha. Ma text nga si Yhane :)
To: Twinnie
Twin, plug mo naman ako please :3 I'm so effin bored here. Ayoko na kay Tom. Ilang months na syang nanliligaw kahit alam nya namang pinaglalaruan ko lang sya at ayaw ko syang maging boyfriend, walang tigil parin"
Yhane Cortez. We're not biogicaly twins. We're twins mentally. That's why :D
She's my college bestfriend.
*beep*
From: twinnie
Hay nako. Kelan ka pa ba titino? Pag ang karma makasalubong mo, ewan ko lang sa'yo
To: twinnie
makasalubong lang pala eh. Yaan mo, di ko papansinin pag nag kataon. Di kasi kami close
from: twinnie
tss. Bahala ka nga
to: twinnie
Sige na kasi. Plug mo nalang ako
from: twinnie
Tsk! Fine. Sa hindi ko nlg masyadong kakilala. Mahirap na pag kaibigan ko masaktan sa'yo, pati ako nadadamay eh
To: twinnie
Yey! I love you kambal. Treat nlg kita pag open ng class :)
_____________
Author's Note:
Guys. Ang story na eto ay consists of text messages dahil ang story na ito ay text story. Ibig sabihin, umibig ang ating bida sa katext nya :D
Para hindi kayo malito sa pag basa ng text conversation, pag "⭕" ang nakalagay meaning a text message Ceszrylle recieved, at dahil mag rereply sya, pag ganito ang naka lagay "⊙" ,meaning si Ceszrylle ang nag type nyan. Gets?
Sana naintindihan nyo :)
Thankyou :*
YOU ARE READING
My Playmate
RandomPinakilig, iniwan, binalikan, iniwan, binalikan at iniwan ulit. Mamahalin mo pa ba ulit ang taong walang ibang ginawa sa'yo kung hindi iwan ka pagkatapos kang pakiligin at paasahin? At kahit alam mong sa simula LARO lang naman ang tinatawag nyong Pa...
