P R O L O G U E

89 5 0
                                        

Nakahiga ako sa aking kama, natural maaga pa para maglaboy 10am palang kaya, Oo para mag laboy,Hindi na kasi ako nag-aaral nag-stop ako, dapat 3rd yr. college na ko pero dahil matigas muka ko suwail akong anak at rebelde pa hindi na ko nag aral pa, pero ang totoo gusto ko naman talaga mag-aral ee, ang problema masama talaga loob ko sa pamilya ko dahil pinag iisipan nila kami ng masama ng boyfriend ko.

Hello as if naman na gumawa ako ng masama diba ? pero syempre wala akong magagawa sa iniisip nila ganun na sila ee, nakakainis lang kasi mula pag kabata kilala na nila ako pero ayun di nila ako pinag kakatiwalaan sa gantong bagay, kaya imbis na makipagtalo ako sa kanila umaalis ako ng bahay, kung kani-kanino nakikitulog ayoko kasi sila kasama.

Gabi pa ang aking mga schedule ng inuman kasama ang aking mga tropa, and yes po present ako sa lahat ng inuman, pero ung inuman kahapon ang hindi mawala sa utak ko.

"Mula ng umalis kami sa dati naming bahay hindi ko na sya nakita, hindi na kami nagkaroon pa ng communication, tas ng dahil sa inuman magkikita kami ? hahaha tadhana nga naman, bilog talga ang mundo, napakaliit. nakakagulat pero ayos na din yun, Ayos na din na nagkita kami."

ito ang mga iniisip ko ngayon habang nakahiga at nakatingin sa kisame guess what nakangiti ako habang sinasabi ko to, walang espesyal na dahilan pero di nawawala sa utak ko. Siguro dahil nagulat ako kanya ang gwapo niya kasi.

Di ganun katangos ilong nya pero bagay na bagay yon sa pagkaka singkit ng mata nya sorry attractive talaga ako singkit ee, tas matangkad ay di pala ganun ka tangkad, maganda hubog ng muka nya ngayon at katawan, di tulad dati ang taba nya. ung labi nya ang sarap halikan.

bigla kong natanong ng sarili ko bakit ko ba sya naiisip ee, wala lang nman sya sa buhay ko, at halikan talaga ? nakakainis huh. Biglang nasabi ko sa sarili ko " pero gusto ko na talaga sya bata palang kami" dahil sa inis ko sa sarili ko bumangon na ko, at binatukan ang sarili.

By the way ako nga pala si Apple, di ko nasasabihin full name ko baka mahanap nyo pa Fb at instagram ko, hahahahaha, 19yrs old, may boyfriend at mahal ko ito, kahit ano gagawin ko para sa knya. Lahat lahat, nangako kasi ako sa kanya na hindi ko sya iiwan.

kaya kahit mga dati kong kaybigan tatalikuran ko para sa kanya, kahit pamilya ko pa. dahil pag ako nangako tutuparin ko. ayoko kasi ng di tumutupad sa pangako ee.

=====

Andito ako ngayon malapit sa kanilang bagong tinitirahang bahay nakasandal sa kotse ko, inaantay ko sya lumabas gusto ko kasi siyang makita, wala lang trip ko lang makita kung ano ng lagay nila ngayon, Maliit lang ito kumpara sa bahay nila datina napakalaki, may paupahan pansila sa likod nila dati, wala din akong nakikitang mga sasakyan, ipinagtataka ko to dahil sa tanda ko may dalawa silang kotse nuon. hindi naman ito pangit pero magulo ang labas di maayos tignan naghirap na ba sila ? anong nangyari, bakit sya naging ganun. nakakagulat, nakakagulat talaga.

pano ko nalaman tong bahay nila ? sinundan ko sila kagabi ng boyfriend nya, di kasi siya pumayag na ihatid ko sila baka daw magalit boyfriend nya.Pag nalaman na kakilala ko sya, Oo takot siya sa boyfriend nya hindi ko alam kung bakit pero di naman ganun ka gwapo yun. Muka pang di gagawa ng mabuti. Siguro Mahal nya talaga.

at sya ? mas gumanda pa sya ngayon, maganda na sya nung mga bata palang kami pero ngayon? mapapanga-nga ka. maganda ang pagkaka singkit ng mata nya meron syang Almond eye, ung ilong nya di matangos di din pango ung bibig nya nakaka-distract habang nagsasalita sya ung shape ng muka nya ? oo ang ganda, matangkad sya, maganda ang pagkakahaba ng mga hita at binti ung katawan nya? hubog na hubog mapapa wow ka sa kanya.

Wala akong pasok ngayon, kaya naisipan kong puntahan sya makikipag kwentuhan sana ako.

" Bata palang kami, gusto ko na sya hanggang sa nawala sila ng family nya bigla. Pero nung nagkita ulit kami sa isang inuman nagulat ako dahil sa pagbabago nya. At di ko inaasahan na ganun na sya pero di man lang ako na dissapoint mas lalo ko pa syang nagustusan."

yan ang tumatakbo sa isip ko ngayon yang mga salitang yan. may kung anong nagtutulak sakin na puntahan ko sya dahil kaylangan nya ako.

di na ko magtataka kung bakit ganto ako, dahil alam kong bata palang kami gusto ay hindi ! Mahal ko na talaga siya bilang kaybigan at higit pa.

any way im Prince 3rdyr. na ko taking BSBA, ako kasi ang magpapatakbo ng family business namin ee kaya i dont have any choices to choose, age of 19, wala akong girlfriend pero madami akong ka fling, may pinangakuan kasi akong babae na sya ang magiging first and last girlfriend ko. at hanggng ngayon pinapanghawakan ko yun.

====

" At ngayon, ngayon mag sisimula ang aming storya "

( sabay silang nagsalita )

====

Author's note.

hi po, I hope magustuhan nyo to, please please spread my story, actually po kinakabahan talaga ako kasi unang beses ko tong gagawin :) Sana, Sana po magustuhan nyo to. Thankyou Thankyou po :)

Story of Us (on going)Stories to obsess over. Discover now