"Uhmm! Saan nga ba?", si Rita na tila napapaisip sa tanong na ito ng nobyo.

Nakita na lamang ng magkasintahan ang sarili nila na nasa kahabaan ng Luneta at dito ay masayang namamasyal. Parang bata pa ngang patakbo-takbo si Rita na tila siyang-siya talaga sa lugar na ito. Si Edwin naman ay napapailing lang habang pinagmamasdan ang mga ikinikilos na ito ni Rita.

"Hindi ko akalaing dito mo pala gustong-gusto pumunta. Parang napakababaw mo naman! I mean this is just a common place. Everyone can go here anytime they want.", si Edwin na tila nagugulat sa trip ni Rita.

Nakangiti namang umakbay si Rita kay Edwin at tinapik-tapik pa niya ang balikat ng nobyo.

"Hay naku! Sossy ka po kasi kaya hindi mo naaappreciate ang ganitong lugar. But if you look at this place in a different perception, you will see the beauty and simplicity of this place. You will see how peaceful and relaxing this place is. The joyful people around you, the children that are playing and laughing, the beautiful plants and flowers around you, the blue sky up here, the smell of air from bay that makes you feel sentimental and nostalgic... God! This place is really beautiful! Well of course, this won't be appreciate by someone like you who don't know how to see the real beauty and value of a place. Who sees the place just in it's outer layer and only through eyes and through heart.", ang tila pangangaral ni Rita kay Edwin.

Nakangiti namang tumitig si Edwin sa nobya at hinaplos-haplos niya ang magandang mukha nito.

"I know I've never been a perfect lover to you. But believe it or not, I feel what you feel. I feel love in this place because I'm with you and because I know that you like this place very much. It feels like I'm beginning to like whatever you like no matter how crazy or stupid it is. That is because I really love you...", ang napakaromantikong sabi naman ni Edwin sa nobya.

Bigla ay nagkatitigan ang magkasintahan at ang pagtitigan nilang ito ay nauwi sa napakatamis na halikan. Matapos ang napakaromantikong tagpong ito ay nagpatuloy sila sa pamamasyal at paglilibot-libot sa Luneta. Sila ay nagpunta sa Quirino Grand Stand at dito ay masaya silang nagpalipad ng saranggola. Kapwa sila aliw-aliw na parang bata habang nakikita nilang nililipad at hinihipan ng malakas na hangin ng dapithapon ang kanilang mga pinapalipad na saranggola. Pinagbabangga pa nila ito na para bang sila ay nagpapaligsahan. Matapos ang masayang pagpapalipad ng saranggola ay nag-foodtrip naman sila sa paligid ng Manila Bay. Dito ay kumain sila ng iba-ibang mga street foods na katulad ng balot, daing na pusit, fishbol, squidbol, kikiam, chickenbol, one day old chick at kung anu-ano pa. Nung una ay medyo naiilang pang kumain si Edwin ng mga ganitong pagkain, pero dahil nakita niyang nag-eenjoy ang nobya ay tila nag-enjoy na rin siyang kumain ng mga street foods.

"Masarap din pala ang mga street foods!", masaya pang sabi ni Edwin habang kinakain ang hawak na fishbol.

"Sabi ko sa iyo e! Paminsan-minsan kasi huwag puro kasosyalan ka lang!", ang tila kantiyaw namang sabi ni Rita kay Edwin.

Matapos mag-foodtrip ay naisipan ng magkasintahan na pumunta sa isa sa mga koridor ng Manila Bay upang dito ay magkasama nilang  pagmasdan ang napakagandang paglubog ng araw. Saktong sa pagdating nila sa isa sa mga koridor ay nagsisimula na ang napakagandang paglubog ng araw. Magkayakap ay pinagmasdan nila ito.

"Napakaganda, Edwin! Alam mo ito ang pinakagusto kong tanawin tuwing mamamasyal ako dito. I just feel so happy and the same time so sad seeing this view. I can't really explain what I'm feeling but it's just a great feeling. And each and every single of those moments how I feel that I'm with someone that I really whom I can share with this feeling.", si Rita na tila gandang-ganda talaga sa tanawin ng papalubog na araw sa Manila Bay.

Si Edwin naman ay biglang niyakap ng mahigpit si Rita. Isang yakap na tila punung-puno ng napakainit na pagmamahal.

"Well, I am here now! You can share with me whatever you are feeling right now. Sadness. Happiness. Love. Everything. Let's feel it together. Let's enjoy it together. Let's cry together. Let's laugh together. Let's LOVE together... I want to share with this most majestic moment... I want to make you feel how much I love you right at this moment... That you are my light... My life... My LOVE... My everything... I love you... I really do love you, Rita...", ang napakaromantikong wika ni Edwin habang yakap-yakap ng mahigpit ang nobya.

"Edwin... I love you too... Forever and ever...", si Rita na nagsasaad din ng labis-labis na pagmamahal kay Edwin.

At muli ay nagkakatitigan sila, isang pagtititigang nauwi na naman sa napakatamis na paghahalikan. Naghalikan sila habang unti-unting lumulubog ang araw sa Manila Bay. Habang kahalikan ang nobya ay tila nakakadama ng kung anong kalungkutan si Edwin.

"This maybe the last time I have ever kiss you like this. This maybe the last time I have ever feel how much we love each other...", ang nalulungkot na bulong ni Edwin habang kahalikan si Rita.

Nang dumilim na ay nagpasya nang umuwi ang magkasintahan. Tila ang lungkot-lungkot pa ang itsura ni Edwin nang ihatid niya si Rita sa bahay nito sa may Valle Verde.

"Nag-enjoy ka ba sa date natin?", ang nakangiti pero tila puno ng lungkot na tanong ni Edwin kay Rita.

"Oo naman! Ang saya-saya kaya! Ito na ata ang pinakamasayang date natin! Thank you ha! At sa uulitin!", masayang tugon at pasasalamat ni Rita sa nobyo.

"Sa uulitin...", si Edwin na mababanaag ang kalungkutan sa tinig.

Tila napansin naman ni Rita ang kakaibang kalungkutan ni Edwin.

"What's wrong, Edwin?", ang nag-aalalang tanong ni Rita sa nobyo.

"Nothing...", kaila ni Edwin sabay hawak sa mga kamay ni Rita at titig ng napakamakahulugang titig sa nobya. "I just want you to know that I love so much! And no matter what! No matter what will happen! I will always love you...", ang naluluha nang pagsasaad ni Edwin ng pagmamahal para kay Rita.

Dahil dito ay naluha na rin si Rita at ang magkasintahan ay kapwa lumuluhang naghalikan. Tila ba kapwa nila pinagsaluhan ang kakaibang kalungkutang nadarama ni Edwin. Matapos ang madramang paghahalikan ay tuluyan nang nagpaalaman ang dalawa. Pinagmasdan pa ni Edwin ang nobya hanggang sa tuluyan itong makapasok sa bahay na tinutuluyan nito. Nang tuluyan nang makapasok sa bahay ang nobya ay muling napaluha si Edwin.

"Goodbye, Rita... Goodbye..."

A True LoveWhere stories live. Discover now