Chapter VII

73.1K 1.5K 104
                                    

Life is short. Break the rules, forgive quickly, kiss quickly, love truly, and never regret anything that once made you smile.

Cass' POV

Nakatingin lang ako sa mga ingredients ng Chicken Fillet na gagawin ko, i've done two dishes and this one is the next. Pero pinipilit kong halungkatin sa utak ko ang pagkakasunod sunod ng procedure, there's an egg, flour and breadcrumbs. Yet I don't know the step, alam kong napag aralan na namin to, di ko lang alam kung di ako nakinig or talagang nakalimutan ko lang ..

Again that's familiar heartbeat beats inside my heart, kinakabahan ako, unti unti ko ng nararamdaman yung sign.

I sigh. At muli na lang akong napatingin sa ingredients. And shoot! Bigla ko na lang naalala that it should be a Feb. Flour, egg and breadcrumbs.

"Bhie .. are you ok there?" pumasok si Bhie dala ang isang karton, sya kasi ang nakatoka sa pag aayos ng lamesa, we moved the other things para komportable mamaya, anim na makukulit na chikiting ang dadating mamaya plus their kuya. Kaya binaba namin yung ibang toys nila Thunder and Storm para naman may laruin sila.

"Yeah I'm fine. Ok na ba sa labas?" i ask him while he's searching for something under the sink.

"The table is ready, tumawag nga pala sila Ate Dianne at Art, aagahan daw nila ang punta to help us." nilabas nya ang isang box na may mga batong laman.

"What's that?"

"Stones. Inayos ko yung aquarium natin, naisip kong dagdagan sila."

Napapatango na lang ako habang dini dip ko sa flour yung chicken, then sa egg and lastly sa breadcrumbs. He kiss me, before he proceed to the back door.

"Manang pasalang na yung kawali, it will be ready to cook soon." i just continue what im doing then, ng matapos ako, i start frying the chicken fillet.

I'm on my halfway of frying ng biglang umingay ang paligid.

"Aloha! Sister!" pumasok si ate and kiss me on my cheeks, ang blooming ni Ate ngayon! She look so beautiful. Masaya ako para sa kanila ni Art. I know, mahal talaga sya ni Art, kahit laging ng jo joke si Art pagdating samin at sa harapan namin, i know deep inside, di nya din kayang mawala sa kanya si Ate.

"Asan ang mga junakis mo mare?" pasok naman ni Art na may dalang dalawang bote ng alak.

"Nasa taas pa sila, ewan ko lang kung gising na." hinawi ko yung hibla ng buhok na humarang sa pisngi ko.

"Ay te! Nanay na nanay ang peg mo ngayon ah!" pang aalaska ni Art sakin. Eh paano ba naman nakapusod yung buhok ko at may mga nahuhulog sa mukha ko, tapos idagdag pang naka apron ako. But still, I'm proud to be a Mother of Two.

"Para saan naman yang alak?" tanong ko kay Art at nginuso yung dalawang bote ng alak sa lamesa.

"Wala lang. I just had a feeling na this occasion is for celebration."

Celebration? Celebration that I have a sick? Bahagya akong nailang sa sinabi ni Art at sa takbo ng pag iisip ko. Nasaktan ako bigla sa naisip ko. Later they will know about my sickness. At first alam kong kaaawaan nila ako. But soon, they will realize na dapat lang nilang hangaan ako because I do have this kind of strength to face this problem.

Natapos ko din ang pagprito kaya umakyat na ko para mag ayos sa sarili ko, i took a shower, paglabas ko sunod sunod na tunog ng sasakyan ang narinig ko, probably they all here. Kaya ko to!

Nagbihis ako at nagpasya ng bumaba. When I'm on the edge of the stairs I saw those kids playing, napangiti ako, lalo na ng makita ko sila na nakamasid sa mga bata, they are all having fun, at sobrang ganda ng view.

Cassadra's Big Love (Published)Where stories live. Discover now