Ako nga pala si Gab, short for Natasha Gabrielle. Gusto kong ibahagi ang kuwento namin ng bestfriend kong si Alex, Ezra Alexandra.
Sa totoo lang ayaw niya na pinakikilala ko siyang bestfriend. Kasi daw kapag bestfriend pwedeng mauwi sa enemy. Kaya nakasanayan na namin na half sister ang pagiging magkaibigan namin. Not sisters by blood, but sisters by heart.
Nagkakilala kami sa hindi inaasahang pangyayari. Nasa mall ako ng araw na yun para bumili ng hikaw sa aksesoriz. Pauwi na ako ng may nakita akong isang babaeng pabalik balik ang lakad at parang kabadong kabado. Nilapitan ko siya at tinanong.
"Ate, okay ka lang?" Sabi ko. Tumingin sa akin yung babae at sumagot, "a-ayos lang, k-kaso may problema ako."
"Ano yun ate? Nawawala ka ba?" Tanong ko pabalik sa kanya. "Hindi naman. Kinulang lang ang pamasahe ko pauwi sa amin. Hindi ko kasi alam magkano ang pamasahe papunta dito." Halos paiyak niyang saad sa akin.
Kung iba siguro yung sitwasyon hindi ako maniniwala sa sinasabi ng babaeng ito. Madalas na kasi ang ganitong modus na kunwari nawawala o kulang ang pamasahe. Pagkatapos tutulungan mo, yun pala nanakawan ka ng hindi mo nahahalata.
Pero sa nakikita ko sa kanya, mukha naman siyang hindi nanloloko. Imbis na bigyan ko siya ng pamasahe, ang ginawa ko...
"saan ka ba ate nakatira? Sasamahan na lang kita." Saad ko. "Naku, wag na. Sa Manila pa ako nakatira. Baka makaabala pa ako sa'yo at saka nakakahiya." Sagot naman niya sa akin.
Pero hindi ako nakinig sa kanya. Hinila ko na siya at sumakay sa jeep. Hindi na rin naman siya tumutol pa. Siguro naisip din niya na no choice na siya.
Tinuro niya sa akin kung saan siya nakatira at nakarating naman kami sa kanila ng matiwasay. Hahaha! Hindi kasi ako sanay bumyahe ng malayo, first time to. First time ko rin sumakay ng LRT. Nakakatawa no, 23 years old na ako pero ngayon lang ako nakasakay ng LRT. Hahaha! Well, nakasakay naman na talaga ako pero bata pa ako noon.
Habang naglalakad papunta sa bahay nila, "Ate ka ng ate sa akin ikaw pala mas matanda sa akin." Saad ni Alex sa akin habang natatawa. "Malay ko ba, sanay lang talaga ako na ate ang tinatawag sa hindi kakilala." Sagot ko naman.
Madami na akong nalaman tungkol sa kanya sa haba ng biyahe namin. Tulad ng pangalan niya at 20 years old lang pala siya. Kaya siya napadpad sa mall kung nasaan ako ay dahil naghahanap daw siya ng trabaho. Huminto daw siya ng pag-aaral dahil nagkasakit ang mama niya at siya ang nag-alaga dahil bata pa ang mga kapatid niya at sa kasamaang palad nawala na ang kanilang mama.
"Dito na ako ate gab, tara pasok ka muna sa bahay" Sabi ni alex. "Sige at makiki-inom na rin. Nauhaw ako sa byahe natin" sabi ko naman.
Bigla ko naman naalala yung itsura niya nung nakita ko siya kanina at natawa ako ng bahagya.
"Anung tinatawa mo dyan ate gab?" Tanong sa akin ni alex. "Wala naman. Naalala ko lang yung mukha mo kanina ng makita kita. Para ka na kasing natatae nun. Hahaha!" At tumawa pa ako ng tumawa.
"Sino bang hindi mag-aalala nun ate, walang wala na ako nun. Nasa isip ko ang layo kapag nilakad ko. Tapos hindi ko pa kabisado dito." Sagot ni alex sa akin.
"Hahaha! Binibiro lang kita. Pareho lang naman tayong hindi sanay bumyahe ng malayo, sabi ko sa'yo first time ko kanina." Sabi ko at uminom na ng tubig.
"Tamang tama gutom na ako. Tara ate, kain tayo. May pansit pala. Siguro dinala to ng tita ko." Yaya sa akin ni alex.
Pagkatapos namin kumain, nagkuwentohan lang kami nang dumating ang mga kapatid niya sa bahay. Maliit lang bahay nila alex at sakto lang sa kanilang magkakapatid. Nasa ibang bansa naman daw ang kanyang papa para magtrabaho.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Friendship Tayo, For Life!
MizahThis story is all about friendship... Para maiba naman.. Hahaha! Sa love, ang laging tanong, "paano mo ba masasabing tunay kang nagmamahal?" Sa friendship naman, "paano mo masasabing tunay kang kaibigan?" . Ano nga bang basehan sa pakikipagkaibigan...
