LS 01

92 1 0
                                    


(A/N: Hi. Hehehe)

-------

Charlene

"Goodmorning Charlene." Bati sakin ng mga kaklase ko. Binati ko din sila at nagpatuloy sa paglalakad.

Nilapag ko agad ang mga dala ko sa desk. Nilibot ko ang paningin ko. Napanguso ako. Bakit wala pa ang magaling kong boyfriend? Ang sabi niya kanina ay nandito na daw siya.  Ilang araw din siyang nawala ha.

Napahinga nalang ako ng malalim at umupo. Siguro naman dadating na yun.

"Lalim ha," Nagulat ako sa pagsulpot ni  Azazel.

"Azazel! Ginulat mo naman ako," Pinanlisikan ko siya ng tingin.

"Halata nga eh. Kanina pa kita tinatawag pero mukhang lumilipad yang utak mo. Teka.. " Hawak niya ang baba niya na parang nag iisip na ewan.


"Si Cypher ba yan? Wala pa? Baka naman may.." Hinampas ko naman siya.

"Sige tuloy mo. Makakatikim ka sakin Azazel," Mariin kong sabi. Konti nalang babatukan ko na siya.

"Joke lang. Masyadong mainit ang ulo eh. Baka lang kako may pinuntahan muna. Ano ba iniisip mo?" Napairap ako sakanya at nagsulat nalang. Oo nga naman. Ano ba pinag-iisip ko?

"Pero may iba na talaga yun." Bulong niya. Dali dali naman siyang tumakbo palayo sakin.

Nanggigi-gil kong hinablot yung eraser namin sa board at binato siya.

"Bwisit ka Azazel. Humanda ka sakin mamaya! Isusumbong kita kay Mikee," Pagbabanta ko sakanya.

Nakakabwisit. Dumating lang siya dito para mang-inis at sirain ang araw ko Wala na. Sira na ang araw ko. Naiiyak na ko sa inis. Parang may tumusok sa dibdib ko ng isipin ko yun. Walang iba si Cypher. Sabi niya ako lang ang babaeng mahal at mamahalin niya. Damn it. Why am I thinking?

Nabigla ako nang may yumakap sakin sa likod. Tumayo ang balahibo ko sa simpleng pagtama ng hininga niya sa tenga ko.

"Baby.." Namilog ang mga mata ko.

"Cypher." Kumawala ako sakanya at niyakap siya nang sobrang higpit. Wala akong pake kung may mga nakatingin man samin.

Sabi ko na nga ba babalik siya eh, na walang kasamang iba. Humiwalay ako at inis ko siyang hinampas.

"Bat ngayon kalang? Nakakainis ka. Miss na miss na kita e," Para akong bata na nagsusumbong sakanya.

"Kakadating ko lang inaaway mo nanaman ako." Nakangising sabi niya habang natatawa. I glared at him. Kita mo nga naman at nagawa pa kong tawanan ng gwapong 'to?

"Joke lang, baby. Namiss kita. Lalo na yang labi mo. Pakiss nga." Nilayo ko yung mukha ko sakanya. Shit ramdam ko yung pag iinit ng pisngi ko.

"Manahimik ka nga dyan."

Nahihiya ako pag ganyan yan. Di pa kasi ako sanay. 6 months palang kasi kami at masaya naman ako, na sa loob ng pagsasama namin eh hindi niya ko sinasaktan physically. Pero napaka seloso niyan. Wag kayong maingay ha.

Si Cypher kasi nung wala pa yang gusto sakin eh grabe na kung magsungit. Pero hindi siya pabaya sa mga bagay na pinahahalagahan niya. Siya yung lalaking talagang mamahalin mo kahit minsan eh ang lakas ng trip pag tinotopak.

"Hey. What were you thinking? Diba sinabi ko sayo na pag magkasama tayo, ako lang dapat ang isipin mo at walang iba?" Masungit niyang tanong.

This time ako naman ang natawa sakanya. Lalong lumukot ang mukha niya at salubong na salubong ang makakapal niyang kilay. Kinurot ko naman siya sa pisngi. Ang daya, hindi ba pumapangit 'to?

Lustful SecretDär berättelser lever. Upptäck nu