Im inlove with the stranger

907 29 8
                                    

Ako si Bea Torres, just an ordinary girl na nainlove sa isang babaeng tinatawag nilang STRANGER.

Yeah! Im inlove with this Mysterious Girl ive meet.

Lets begin this story.

Nasa isang lilim na puno ako ngayon at dinadama ang bawat pag ihip ng malamig na hangin na dumadampi sa katawan ko. Hindi ko mapigilan na hindi maiyak, na hindi tumulo ang bawat luha ko sa mga mata dahil sa mga masasakit na ala-ala nang kahapon. Its been 1 year pero hindi ko pa rin makalimutan ang unang babaeng minahal ko sa buhay ko.

Pero siguro ganun nga talaga siguro kapag hindi para sayo ang isang tao. Na kahit anong lapit mo ay pilit syang ilalayo sayo.

Nasa lilim ako nang puno habang tinitingnan ngayon ang malaking puno na ito. Sabi nang mga matatanda sa lugar na ito. Kapag daw nahulog ang mga dahon yung as in madaming dahon na nahulog at kasama mo ang taong mahal mo ibig sabihin daw nun sya na yung nakatadhana sayo.

"Hi! J"

Napalingon ako sa babaeng nasa harap ko ngayon, nakangiti sya at halata mong may lungkot sa mga mata nya.

Napatingin ako sa kanya, at saka ko naramdaman ang paglakas ng hangin at kasabay noon ay nagsi laglagan ang mga dahon sa puno na kinatatayuan naming dalawa ng babaeng nasa harap ko ngayon.

Napatitig ako sa kanya at hindi ko alam kung paano mag rereact ngayon. Para syang isang diwata na bigla nalang lumabas sa kung saan man.

Lumapit sya sa akin at naramdaman ko ang paglakas ng kabog ng dibdib ko.

Ano itong nararamdaman ko? Sya na ba? Sya na ba ang babaeng bago kong mamahalin?

Tumabi sya sa akin at saka kami naupo sa may lilim ng puno na yun.

Napabuntong hininga sya.

"Sabi nila dito raw ang pinaka relaxing na lugar. Kapag daw dito ka umiyak mawawala daw lahat ng sakit na mararamdaman mo." Sabi nya sa akin at saka sya ngumiti.

"Naranasan mo na bang magmahal?" tanong nya pa sa akin.

"Huh? Aah! O-oo" sabi ko.

"Masaya ba kayo ngayon?" tanong nya pa ulit.

"Wa-wala na kami, iniwan nya na ako." Sabi ko sa kanya.

I don't know why kung bakit ko kinakausap ang babaeng ni hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan nya.

"Nakakatawa nu? Yung akala mo sya na, yung akala mo pang habang buhay na kayo, ang dami na talagang nabiktima ng mga akala na yan. Akala ko sya na. akala ko ako na huling babaeng mamahalin nya. Akala ko hindi nya ako sasaktan. Akala ko magging masaya na ako simula nung nakilala ko sya. Pero bakit ganun? Bakit nya ako binabalewa. Mahal ko sya. Mahal ko sya!" sabi nya at saka ko nakita ang pagpatak ng mga luha nya sa mga mata nya.

Hindi ko alam kung bakit at kung paano ko nagawa na yakapin sya at pilit na pinapatahan.

"May mga tao talaga na dumaan para saktan lang tayo. Wag kana umiyak may darating din na taong hindi ka kayang makitang umiyak." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Bawat hikbi nya ay may kung anong kirot sa puso ko, hindi ko alam kung bakit ganun. Siguro dahil ganun din ang nangyari sa akin, dahil siguro pareho lang kami nang pinagdaanan.

Umiyak lang sya nang umiyak hanggang sa natapos na syang umiyak at muling tumingin sa akin.

"Tama nga siguro sila. Mawawala yung sakit kapag umiyak ka dito. Salamat sayo."

"Walang anuman- ako nga pala si-" bago ko matapos ang sasasbihin ko ay bigla nyang hinarangan ang bibig ko.

"Wag kang magpapakilala sakin. Please!" sabi nya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Walang Forever (Sad Story) GirlxGirlWhere stories live. Discover now