Painting

8 0 0
                                        

Author's Note:

Eto na po ang ating first story for today. Feel free po to comment and suggest para po sa mga next stories na ipopost dito. Pwede po kayo magshare nang true love stories nyo tru pm po sakin. Gagawan ko po nang plot ang story nyo. Pagpasensyahan nyo na lang po kung may mga wrong grammar or spelling kayong maeencounter. I'm open for your critics. Enjoy lang po tayo.

Thankie..

Xoxo
AhnDie

"PAINTING"

At last, natapos ko na din i-organize yung mga napaframe ko na paintings.

Nadagdagan na naman ang collections ko.

Ewan ko ba kung anong meron sa mga paintings at talagang in love na in love ako sakanila.

Nagsimula ang pag hanga ko sa mga obra na to since high school.

I'm not good in paintings pero sketching and drawings kaya ko naman at hindi naman ganun kasama yung mga gawa ko.

Pero iba talaga pag yung gumamit na nang iba't-ibang kulay.

Masaya na ko kapag naka tyempo ako sa mga subastahan nang murang paintings.

Kaya naman nakakapag collect ako kahit papano.

After ko maorganize sa kwarto yung nadagdag sa collection ko, agad na ko lumabas para mag almusal.

"Good morning Ma!",bati ko sa mama ko sabay halik sa pisngi.

Umupo na ko at inabutan ako nang kape.

"Mukhang maganda ang gising mo ah.",puna ni mama sakin.

"Morning Ma. Morning kuya.",singit ni Luna, kapatid ko.

Tumabi sya sakin at naglagay nang bacon sa pinggan nya.

"Maganda talaga gising nyan Ma, aga-aga eh nag ddrill sa room nya.",singit nang kapatid ko.

Napailing si Mama habang nilalapag yung toast bread.

"Mukhang may bago ka na namang nabili na painting ah.",sagot ni Mama.

"Yes, Ma. Nabili ko thru online. Buti nga at medyo mura. Nabarat ko yung nagbenta.",biro ko.

"Ewan ko ba naman sayo,hijo. Bakit nahilig ka sa mga ganyan ganyan. Parang nagsasayang ka lang ng pera eh.",sagot ni Mama.

"Ma, collection ko ho yun. Tsaka pinag iipunan ko naman po. Besides hindi naman po ako bumibili nang sobrang mahal. Basta po may makita akong maganda okay na sakin.",depensa ko dito.

"Pero diba kuya, ang kinocollect na paintings yung mga mahal. Bakit bumibili ka nung mga gawa nang hindi sikat.",tanong ni Luna.

Nagsimula na kaming kumain nung bumaba si Papa na may dalang dyaryo.

"Luna, hindi porque gawa nang hindi sikat hindi na maganda. Minsan nga mas maganda pa yung gawa nila. May buhay, may storya. Tsaka ang mahalaga yung unang kita mo pa lang madidistinguish mo agad kung saan gawa yung obra nila.",paliwanag ko dito. Napakunot naman ang noo nya?

"What do you mean kuya?",kulit nya sakin.

"Ang mga painters kasi, kadalasan emotions ang nagpupush sakanila kaya nakakagawa sila nang magagandang obra. Kapag masaya sila malalaman mo agad sa mga kulay na ginamit nila. Kapag naman malungkot sila, mostly malungkot yung kulay."

"Bakit kasi hindi ka na lang nag fine arts Louis?",sabad ni Papa. Nagkatinginan naman kami ni Mama.

Humigop ako nang kape tsaka tumayo.

The Story Of UsStories to obsess over. Discover now