Chapter 1

4 1 1
                                        

Angel's P.O.V

Kakatapos lang ng wedding ceremony ko. Oo tama. Kasal na ako kani-kanina lang. Sa isang lalaking sobrang gwapo ubod naman ng sama ng ugali. 

Nakarinig ako ng katok sa pintoan ng kwarto ko. Tumayo na ako at pinagbuksan yung taong kumatok...

"Ma? Bakit po? May kailangan po ba kayo sa akin?" Tanong ko sa kanya at hinila siya sa loob ng kwarto ko at pinauop sa kama ko.

"Gusto ko lang sanang magpasalamat. Salamat sa pag iintindi sa amin ng papa mo ha? Sadyang kailangan lang talaga natin ng tulong galing sa mga alcantara at ang tanging paraan lamang ay ipakasal ka sa anak nila." Sabi niya at may biglang tumulong luha mula sa mata ng mama ko. Pinusan ko ito at ngumiti sa kanya. 

"Ano ka ba ma! Syempre naman no maiintindihan ko kayo mahal na mahal ko po kayo kaya gagawin ko po lahat para sa inyo." sabi ko at niyakap ko siya. 

"Mahal na mahal dn kita anak" at hinalikan ako ni mama sa noo. "Ready ka na ba bukas? Lilipat na kayo sa bagay bahay niyo." 

"Ahh hndi pa nga po e. Pwede po ba akong magpatulong?" tanong ko naman sa kanya masigla naman siyang tumango. 

Tinulungan na ako ni mama sa pag iimpake. Nag-uusap kami at nagtatawanan. Eto na ata ang huling pagkakataon na makakatawa at makakangiti ako ng ganito dahil simula bukas ay titira na kami sa i-isang bahay ng demonyo kong asawa. 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising ako ng dahil sa alarm clock ko.Tumayo na ako at naligo na. Nagsuot ako ng simpleng tshirt at shorts ko. Bumaba na ako at nakita ko na ang mga mga maleta ko sa baba. At naalala ko na sa wakas na ngayon nga pala ako lilipat ng bahay kasama ang asawa ko. 

"Goodmorning Mama....." Sabi ko at hinalikan siya sa may cheeks pati narin si papa. 

"Goodmorning princess. Papunta na dito si Dameon at susunduin ka di na daw kita kailangan na ihatid pa." sabi ni papa at tinignan ako.  Ngumiti lang ako bilang tugon at nagpatuloy sa pagkain. 

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa kusina. Nakasanayan ko na kasi na maghugas ng plato kahit na marami naman talaga kaming maid dito sa bahay. Naghuhugas ako ng pinggan ng marinig kong tinatawag na ako ni mama. 

Agad akong pumunta sa may dining area at duon nakita ko si mama na parang naiiyak na naghihintay sakin...

"Bakit ma?" Nag aalala kong tanong at niyakap ko siya agad. 

"Nak sorry talaga ha?" sabi niya at parang gets ko na ata bat siya umiiyak. Humiwalay na ako sa yakap at pinunasan ko ang mukha niya. 

"Ma, Ano ka ba? Napag-usapan na natin to kagabi diba? Ayos lang talaga ma." Sabi ko at hinila na siya papunta sa receiving area namin at doon ko nakita ang demonyo ng buhay ko walang ibakundi si.... Dameon Alcantara. 

"Sorry kung pinaghintay kita. Tayo na?" tanong ko sa kanya at umuna na maglakad.   

Noong nasa labas na kami ay nakita ko na ang kotse na at nilalagay na ng mga maid namin sa compartment niya ang mga maleta ko. Nilingon ko si mama na umiiyak na nakatingin sakin habang yakap naman siya ni papa. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo at yumakap na kay papa. 

"Tara na." Sabi ko at sumakay na sa shot gun seat. 

"Fasten your seatbelt" ginawa ko ang sinabi niya at yumuko nalang para matabunan ng buhok ko ang mukha ko na basang basa na ng dahil sa likidong tumutulo sa mga mukha ko nag-u-unahan sila. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fallen AngelWhere stories live. Discover now