“Uhm miss, babalikan ko na lang po bu...”
“Faye.”
Teka. I know that voice. Napalingon ako sa may right side ko...
“Vano?”
“Problema?”
“VANO! Ikaw nga! Buti nandito ka! Pautang nga.”
“What? How much do you need?”
“100 lang!”
Kinapa nya ang bulsa at dumukot sa wallet nya...
SHOCKS! Sya na talaga ang knight in shining armor ko today! My dearest reversible skinny jeans will be mine now! BWAHAHAHAHAHA
Pagkabayad ko ng binili ko, nagsimula na kaming maglakad.
“What are you doing here?” tanong nya
“Di ba obvious koya? Bumili po ako ng pantalon.”
“I know, stupid. Bat di ka pa nag-aayos? It’s past 5 already.”
“Ano naman? May relo ho ako. Alam kong lagpas 5pm na.”
“Eh ano pang hinihintay mo?”
“Wala. Teka nga, bat ba nandito ka?”
“Tell me. Nakita mo ba yung paper bag sa labas ng bahay nyo?”
“Ahh yun? Oo naman. Natouch nga ako eh. Sayo ba yun galing?”
“Tinatanong mo ba kung sakin yun galing?”
“Ano ba Vano. Nababano ka na naman eh. Kasasabi ko lang diba? Sayo ba yun ga...”
“Leeanne Faye. Ang tanga-tanga mo talaga.”
O.o ANO DAW?
“A...anong sinabi mo!?”
“Ang tanga mo.”
“Aba loko ka pala e! Nanghiram lang ako ng isang daan sayo, tinatanga mo na ko? Suntukan na lang oh!? Babayaran din kita oy! Kahit mamaya idadaan ko pa sa bahay nyo yung bayad! Nagkataon lang na kulang yung dala kong pera! Hoy ikaw ah, wala kang karapatang ganyanin ako dahil lang sa may ut...”
“Hindi yun yung dahilan. Bilisan mo na nga maglakad dyan. May pupuntahan pa tayo.”
“Eh bat mo ko tinatanga? Upakan kita dyan e. Chaka anong may pupuntahan? Bat ka ba kasi nandito ha? Pano mo nalaman na nandito ako?”
“You didn’t read the note, stupid.” Sabi nya habang naglalakad ng mabilis samantalang ako eh hingal na sa paghabol sa kanya. Ano ba to? Birthday ko ba talaga ngayon? Bakit parang galit ang mundo sakin ngayon?
“Note? Anong note?”
“Yung note sa paper bag.”
“Sus. Yun lang pala e. Ganun ba kabig deal yun sayo?”
“UGH. You don’t understand.”
“Ano? Naguguluhan na ko sayo ah. Ano ba kasing pinagsasasabi mo dyan ha?”
“Bakit ba kasi hindi mo binasa yung nasa card? Pano na lang kung galing yun sa taong di mo kilala tapos bomba yung laman, ha?”
“Ano? Ang OA mo naman! Pwede ko naman basahin yun pag-uwi e!”
“It’s too late. Walk faster.”
“Te...teka! Hinihingal na kaya ako! Bat ka ba nagmamadali dyan?”
Pandalas pa rin ako ng lakad para makahabol sa kanya. Ano ba kasing problema ng lalaking to? Leche. Sabi nya itatrato nya ko ng matino kahit ngayong birthday ko lang?
........................
Sa kotse...
“Hoy, san ba tayo pupunta, ha? Chaka bat di ka pumasok kanina? Ikaw ah.”
“Don’t talk to me.” masungit nyang tugon.
Tingnan mo tong ulupong na to. Daig pa nya babaeng may dalaw sa kasungitan e!
“Ano bang problema mo ha?! Suntukan na lang o!”
“You ruined the plan!”
“Anong plan?!”
“Nevermind!”
GRRRRRRRRRRRR Talagang napupuno na ko sa lalaking to ah. Kundi lang sa isang daang piso na utang ko sa kanya, baka binagasan ko na to ora mismo. BWISET!
“ano nga yon!?”
“wala”
“ANO NGA?!”
“WALA NGA.”
“Sabihin mo na sabe!”
“Baba.”
“Anong baba?”
“Baba. Bumaba ka na.”
“At bakit ako bababa!?”
“Nandito na tayo.”
Napatingin naman ako sa bintana. Nasa bahay na pala kami?
“FINE!” Sabi ko tapos bumaba na at padabog na isinara yung pinto ng kotse nya.
Walang sabi-sabi’y pinaharurot nya na agad ang kotse nya. Walangyang yun! Hindi man lang nagpaalam! Ni hindi nya nga ako binati! Bala sya. Di ko sya papansinin! Kala nya ah! IpapaLBC ko na lang yung bayad ko sa kanya!
Kinuha ko na ang susi sa bag ko at binuksan ang pinto at... O.o
“Bat kayo andyan?” tanong ko sa kanila.
WTHEck. Nandito lang naman sa bahay sina Shannan, Ilynni, Seira, at Kate
“Uy wala akong handa.” Dugtong ko.
“Bruha ka! Tanga mo talaga Leng!” – Ilynni
“Pati ba naman ikaw? Ano bang problema nyo sa kin ha? Birthday ko ngayon tapos lahat ng tao galit sakin!?”
Lumapit sakin si Seira at iniabot yung paper bag na nasa labas ng bahay namin kanina.
“Oh ano to?”
“Basahin mo.” – Seira
Wear this dress and be at your best. Be in my house at exactly 6pm. - Ivan
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----21st string-----
Start from the beginning
