“Anong hindi mo alam kung bakit? Nagtatampo ka Leanne Faye.” Sabi ko sa sarili ko. Alam ko naman na wala talaga sa budget namin ngayon ang maghanda since napabayad sa tuition ko. Kaya okay lang sakin kahit walang celebration ngayon at simpleng dinner lang bukas. Kaso, tae naman kasi e. Sina amang, wala. Si Vano, wala. Psh. Okay lang sakin kahit magtitigan lang kaming pamilya maghapon basta kasama ko sila. Eh umaga pa lang wala na e. :((
Nasa labas na ko ng gate ng bahay.
“HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY.”
Teka nga, araw ko ngayon kaya di ako dapat malungkot. Tsaka, di ko pa nga nachecheck yung phone ko since kaninang umaga. Baka nagtext na ang mga importanteng tao sa lifeness ko. WEEEEE excited na ko!
Dali-dali kong binuksan yung gate at pagpasok ko sa loob, may isang paper bag na nakalagay sa may maindoor. EMEGESH! Hanoyon?
Kinuha ko yung paper bag at nagdere-deretso sa kwarto ko.
Bubuksan ko na sana yung gift nang tumunog ang phone ko. And as expected, binaha ang inbox ko ng greetings mula sa friends, close friends, to best friends ko! Tapos relatives, classmates, batchmates, at syempre ang RJ Gang. Uhhh, insert tears of joy here. Touch naman ako sa mga messages nila. Makabagbag damdamin.
Wait a minute! Pupunta nga pala ako ng SM ngayon! Bibilhin ko na ang reversible jeans na pinag-ipunan ko ng mahabang panahon! BWAHAHAHA. Yun ang regalo ko sa sarili ko e.
“Inang, punta lang po akong SM ha. May bibilhin lang po.” Message sent.
................................
Sa SM...
“P1100 po, ma’am.” Sabi nung sales lady.
“Po?” sagot ko. Nagkakamali yata ako ng dinig.
“P1100 po.”
OW MY EFFIN SHEEP. 1K lang dala ko! Pamasahe na lang yung natitira sakin e!
“Uhm miss, diba po may 10% discount pa po yan?”
“Wait lang po ma’am. Papacheck lang po.” Tapos nagpatawag sya ng salesman na nakaassign dun sa jeans.
“Ma’am, wala pong discount to” salesman
“HALA ka kuya. Eh bakit nakalagay dun sa pinagkunan ko nyan may nakalagay na 10% discount?”
“San nyo po ba nakuha to?”
“Dun po.” Sabay turo sa pinagkunan ko.
“Naligaw lang po siguro to ma’am. Yung ibang customers po kasi kung san-san nilalagay yung items na nirereject nila.”
ABA lokong crew to ah. Di ba trabaho nilang imake sure na nakaorganize lahat ng items na nakatoka sa kanila! GRRRRRRRRRRRRRRRRR!
“Kuya naman eh. Last week ko pa nakita yun dun bat kasi di nyo chinecheck kulang tuloy yung perang dala ko.”
“Sorry po ma’am”
Potek naman e. Pandalas akong pumunta dito kasi feeling ko mauubusan ako ng stock nun kasi nga nag-iisa lang yung style na yun nung nakita ko. Naligaw lang pala ng sabitan! >.<
WAAAAAAAAAAAH. HAPPY BIRTHDAY TO ME. </3
Teka, sabihin ko kayang ‘miss, pwede 1000 na lang? birthday ko naman ngayon e.’ Ano sa tingin nyo?
“Miss, ano? Bibilhin mo ba yan? Pakibilis naman oh may lakad pa ko e. Bayaran mo na.” sabi ng isang matandang babaeng kasunod ko sa pila.
Okay. HAPPY BIRTHDAY TO ME. Pahiya pa ko.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----21st string-----
Start from the beginning
