“Arte.” Tapos binuksan nya yung pinto ng kotse nya at inupo ako sa backseat.
“Sorry naman ah. Hindi ako pwede yumapak sa lupaan. Bubugbugin ako ni Inang pag nagputik yung medyas ko.” Hinawakan nya yung paa ko tapos isusuot na sa kin yung sapatos ko.
“Uy kaya ko na. Akin na yan.”
“Nakasuot na e.”
“Ano bang nakain mo Vano? Bat ang bait-bait mo yata sakin ngayon?” sabi ko habang sinusuot nya sakin yung isa ko pang sapatos.
“Birthday mo bukas e.”
“Uhh, ang sweet mo talagang best friend.”
“Wala kasi akong perang pang regalo sayo. Kaya ganto na lang.”
“Ikaw, walang pera? ASA.”
“Di wag ka maniwala.” Sabi nya tapos binuksan na ang pinto sa may driver’s seat. Lumipat naman ako sa unahan.
“Bat di mo na ginagamit motor mo?”
“The weather has been unpredictable these past few days. Mahirap magmotor pag natsempuhan tayo ng ulan. Uhugin ka pa naman.”
“Tong ganda kong to, uhugin?”
“Oo naman. Tulo laway pa pag natutulog.” Sabi nya tapos pinaandar na ang gwapo nyang kotse.
“Ano ba yan! Kala ko ba magpapakabait ka sakin kahit sa birthday ko lang?”
“Birthday mo ngayon?”
“Eh bat kanina?”
“Oo.”
“Anong oo? Labo mo talaga kahit kelan.”
Then he grinned. Okay. Yan na naman po sya.
Kung di lang masakit puson ko ngayon, baka binangasan ko na to. Bipolar. Hmf.
.....................................
Alright! February 8 na ngayon. Nagunat-unat ako ng konti at pumikit-pikit. Owyeah! Happy 18th birthday to meeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!
“HAPPY BIRTHDAY LEEANNE FAYE!” sigaw ko. I can’t beleb et. Dalaga na ba ko talaga?
Bumangon na ko sa kama at tiningnan ang orasan sa harap ko. 8am na. Nagderederetso ako sa banyo at naligo na.
Pagkatapos ng 30mins sa banyo, nagbihis ako at nagpaganda. Well, araw ko to. Kahit ngayon lang magmukha naman akong girlaloo no.
Pagkatapos mag-ayos ng pagmumukha at gamit, bumaba na ko para kumain.
“Yun oh. Ang aga naman nila umalis.” Sabi ko sa sarili ko. Hanobayan. Ang saya ah. Birthday na birthday ko pero parang wala talaga silang balak magpakita sakin ngayong araw na to. Anyways, yaan na. Magdinner naman daw kami bukas. Solo flight tuloy akong nagbreakfast. :/
Pumasok na ko sa school. At ang saya kasi kaliwa’t-kanan ang bumabati sakin. Unang kita pa lang sakin ng mga kaklase ko, kinantahan agad nila ko ng ‘Happy birthday’. Actually, 3 lang ang klase namin ngayon. At sa lahat ng yon, kinantahan nila ko samantalang kami-kami lang din naman ang magkakasama sa bawat klase. Style nila para mabawasan ang oras sa discussion. :D
Ayos na sana eh. Kaso may kulang. Si Vano. Ewan ko ba sa hinayupak na yun. Di pumasok. Siguro hindi nya talaga kayang magpakabait sakin kahit isang araw lang kaya di na lang pumasok. Tatawagan ko nga sana sya kaso naiwan ko pala yung phone ko. Ang galing talaga. -___-
................................
Since hanggang 2:30pm lang ang klase ko ngayon, 3pm pa lang, nandito na ko sa gate ng metrogate. Naglalakad ng nakabagsak ang dalawang balikat. Hays. Nalulungkot ako. Hindi ko alam kung bakit.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----21st string-----
Start from the beginning
