Paika-ika akong lumakad papuntang classroom since kagaya ko, gutom na yung sapatos ko. Nakanganga na sya kaya ang hirap ilakad. Buti na lang at 7pm class to, wala na halos estudyante. Hindi nakakahiya. Bwahahaha
Ang sakit ng balakang ko lalo. -________-
Papalapit pa lang ako sa pinto nang lumabas dun si Ivan bitbit ang bag ko.
“Where have you been?” bungad nya.
“Haa? Ano... Ano ka ba! Di ba sabi ko sayo nagCR lang ako.”
“What took you so long?”
“Ano... wala lang. naggala-gala ako sa tabi-tabi. Wala na naman kasi akong maintindihan sa dinidiscuss ni ma’am. Lugaw na yung utak ko.”
“Tumae ka no?”
ABA lokong to ah. Tumae daw ako!?
“Kapal mo ha.”
“Bawas-bawasan mo kasi yung kain mo. Di na tuloy makatagal sa tyan mo yung kinakain mo.”
“Ewan ko sayo. Tapos na ba klase?”
“Obviously.”
“Tara na nga.” Kinuha ko na yung bag ko sa kanya at nagsimulang maglakad.
“Ano yan?” biglang tanong nya.
“Anong ano yan?”
“Bat ka ganyan lumakad? Para kang tanga.”
“Sorry naman ha! Sira ho kasi yung sapatos ko. Oh tamo.” Tapos pinakita ko sa kanya.
“San ka ba kasi nagpupunta?” sabi nya habang nakatingin sa sapatos ko.
“Ano ka ba. Wala naman talagang matibay na sapatos sa La Salle.”
“Sakay.” Alok nya habang nakatalikod na sakin at nakapormang ipapasan ako.
“Ano?”
“Sakay. Bingi mo.”
“Tungaw! Narinig ko. Bat mo ko pinapasakay sa likod mo?”
“Kawawa ka naman e. Paika-ika ka lumakad. Tapos hindi ko alam kung bakit pero parang pati yung katawan mo parang abnormal. Para kang matandang uugod-ugod dyan.”
“Ayoko. Ayos lang ako.”
“Wag ka na ngang makulit. Gabi na tayo.”
Lumuhod sya at tinaas yung paa ko at kinuha yung sira kong sapatos tapos kinuha nya na rin yung sapatos ko sa kabilang paa kahit medyo maliit lang naman ang sira nun.
“Sakay na.”
“Eto na nga e.”
Sinunod ko na lang sya. Syempre wala na kong choice no. Alangang maglakad ako ng nakamedyas diba? Bobondyakan ako ni Inang pag ginawa ko yun. Tsaka okay na din to, ang sakit na kasi talaga ng balakang ko e.
Nagsimula na syang maglakad...
“Uy. Baka maswafo tayo nyan.” Sabi ko. (SWAFO- tawag sa mga discipline officers ng DLSU-D)
“Wala nang swafo ng gantong oras.”
Nasa pathway na kami ngayon. Pasan nya pa rin ako habang bitbit nya ang sapatos at bag ko. Ang swerte ko lang sa best friend ko no? :”>
At tutal mahaba-habang lakaran pa ang aabutin bago makarating ng parking lot, dadaldalin ko muna sya. Para naman maaliw sya at hindi madama ang bigat ko.
“Hoy Vano, may napagtanto ako.”
“Ano naman yun?”
“Naisip ko lang. Di’ba birthday ko bukas?”
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----21st string-----
Start from the beginning
