Loneliness

23 0 0
                                        


Sabi nga nila: "Mas madaling ipaliwanag kung bakit ka masaya, kesa sa ipaliwanag kung bakit ka malungkot."



Oo naman. Kapag masaya ka- wala lang. Tipong ngingiti ka lang o tatawa. Simpleng ngiti lang napatunayan mo ng masaya ka. Kahit hindi mo na sagutin ang tanong kung bakit.


Pero kapag malungkot ka. Napakaraming tanong.

Maraming tanong na hindi mo masagot. O sabihin na nating hindi mo kayang sagutin o ayaw mong ipaliwanag.


Kasi nga naman, kapag malungkot ka, korni. Emo. Ang babaw. Pero normal lang naman maging malungkot. Parte ng buhay yan eh.

Ganun talaga. Sa ayaw at gusto mo, malulungkot at malulungkot ka talaga.


😛



Kagaya ko ngayon, hindi ko alam kung bakit ang lungkot ko. I mean, hindi ko maipaliwanag kung bakit kailangan kong malungkot. Bigla na lang naramdaman ng puso ko na ang lungkot ko ngayon. Sobra. 😞


Siguro dala na rin ng pagod at puyat kaya nadoble ang lungkot ko. Hindi ko kasi maintindihan minsan kung bakit napaka ironic ng buhay. Alam mo yung bagay na matagal mong pinagdasal na mangyari. Matagal mong hiniling. Yung pakiramdam mo kapag natupad yung hiling mo- ikaw na ang pinakamasayang tao sa mundo.


Pero bakit ganun? Hindi naman pala.


Yung tuwa at excitement na inaabangan ko- biglang napalitan ng lungkot. Yung lungkot na kailangan itago mo kasi may taong maaapektuhan. Lalo na yung mga taong naniniwalang matatag ka at masayahin ka.



Mahirap ipakita sa mga taong mahal mo na malungkot ka- kasi malulungkot sila... Ginagawa mo lahat ng bahay na ikakasaya nila kahit alam mong sa bandang huli- ikaw ang maiiwan. Ikaw ang masasaktan.



Hindi ko maamin na nalulungkot ako sa harap nila- ni hindi ko masabi. Kasi ang pagkakaalam nila, hindi naman ako madrama. Lagi akong masaya at matapang.


Pero sa totoo lang, kapag ganitong mag isa na lang ako sa gabi- sa tahimik na sulok ng bahay, doon ko nararamdaman ang lungkot. Dati, kapag ganito ang pakiramdam ko- tatawagin ko agad ang substitue bestfriend ko- si Red Horse. Mag wa one on one kaming dalawa hanggang umaga. Hanggang sa makatulog na ako at pansamantalang makalimutan ang lahat.


Pero kinabukasan, pagkagising ko. Ganun pa rin. Wala namanh nagbago. Ni hindi ko na maibalik pa ang dati. Yun na yun eh. Kahit anuman ang gawin ko- hindi na mababago yun. 


Kailangan tanggapin na ganun talaga ang buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon- masaya.




Broken IceWhere stories live. Discover now