Prologue

6 1 2
                                        

Sophia Suazon

Maaga akong pumunta sa school nong araw na iyon. Dumating ako sa school ay walang katao-tao. Naglakad ako patungong sa classroom katabi ng AVR. Sa aking paglalakad, nakuha ng atensyon ko ang isang building. Tahimik to any hindi kagaya kahapon. Na punong puno ng masasaya na alaala ng mga kaklase ko.

Pero ngayon, ibang iba na.

Maya-maya... Nakarinig ako ng isang malakas na tinig. At nanggagaling ito sa building. Nilagpasan ko na lang to para sa kaligtasan ko.

Naglakad ako patungong classroom at nakita ko ang dalawang kaklase ko or for short mga best friends ko.

Oiy Sophia! Nandiyan ka na pala!

Sabi ni Earl sa kin. Kasama naman niya ang kaibigan ko si Danika.

Pumasok ako sa room at sila lang ang dalawa ang nandoon.

Kayo lang dalawa? San silang lahat?

Tanong ko kay Earl at Danika.

Oo... Baka hindi pa sila nadating ang iba... Tayo pa lang tatlo.

Sabi ni Danika. Oo nga, baka napa-aga lang kami.

Pumunta kaya tayo sa SSG office? Tutal tayo lang ang tayo didto eh??

Wag! Baka pagalitan tayo ron ni kuya Kenneth... Baka ma-violation tayo..

Sige na Danika!! Magpapa-aircon lang tayo don!! Plssss...

Pumayag din si Danika sa wakas. Agad naman namin ang pinto ng room at naglakad patungong office. Tahimik ang buong lugar. Walang ingay na maririnig. Kahit isa. Wala. Tanging ang yapak lang namin ang maririnig.

Pagka punta namin doon, natigil kami sa katatawa. Dahil kami lang ang maingay don sa lugar na iyon.

Binuksan ni Earl ang pinto at kitang kita namin ang mga SSG na galit na galit samin na naka tingin.

May hawak na kutsilyo si kuya Kenneth at dinagit si Danika. Umiyak na ako ng malakas. Hinila na pala ako ni Earl at tumakbo kami sa taas. At doon kami nagtago. Binuksan namin ang bawat classroom pero puro ito mga bangkay.

Lumipat din kami sa taas at doon din naka-ukit ang mga bangkay ng mga kaklase ko. Wala na kaming matatakbuhan pa, dahil dead end na ng building.

Maya-maya naabutan na kami ni ate Raine. Ang pinaka titiwalaan kong SSG sa school. Bigla niyang hinampas ng kutsilyo si Earl sa mukha at natumba ito. Habang ako, sinaksak niya ng kutsilyo.

Sorry kong medyo mataas ang prologue.. (Insert all emojis here)

The Smile Of DeathHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora