Chapter 42

4.1K 84 0


Hebe

"Sky..." simula ko ng nagkaroon na ako ng pagkakataong makausap siya. Ilang araw na rin kaming ganito, naiintindihan ko naman na marami na siyang ginagawa dahil papalapit na ang pagpalit niya sa pwesto ng Mommy niya pero... P-pero mas nagiging madalas ang hindi namin pag-uusap dahil marami na rin siyang ginagawang bagay maliban sa trabaho.

"Hmm?" sagot niya sa akin habang nakatingin sa mga papeles na binabasa niya, wala si Tita Sophie at more than half na rin ang nabago sa office, malapit na talagang maging CEO si Sky pero ang pinapangamba ko ay ang pagkawala niya ng oras sa akin...sa aming dalawa.

"A-Ah, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya ng hindi ko mahagilap ang mga salitang dapat kong sabihin

"I'll eat outside, wag mo na akong bilihan..." sagot niya sa akin habang hindi pa rin tumitingin

"Sky..." tawag ko ulit

"Yes?" iniangat niya ang mukha niya saka ngumiti sa akin

"May problema ba tayo?" lakas loob kong tanong

"Why did you think of that?" tanong niya saka kumunot ang noo, sinara niya ang folder saka tumayo at lumapit sa akin.

"Lately kasi..." lumunok ako "A-Ano kasi..."

"Bebs..." niyakap niya ako saka hinalikan ang ulo "Sorry kasi nakukulangan na ako ng time sa iyo but I know you understand it right?" tanong niya saka bahagyang yumuko para makatapat ang mukha ko "I love you..." saka niya ako ginawaran ng halik sa labi. Hindi ako sumagot. Nakita ko ang pagkuha niya ng jacket niya mula sa upuan saka nagpaalam na sa akin.

Bakit ganito ang pakiramdam? Bakit parang mas masaya kami noon... nung hindi pa kami? Bakit hindi ko maramdaman na girlfriend niya ako? Mas mabuti bang tulad kami ng dati? Mas mabuti bang hindi niya na lang ako girlfriend, kasi noon mas ramdam kong gusto niya ako... mas ramdam kong nag-aalala siya sa akin...mas ramdam kong ako lang... ako lang...walang kahati...

---

Hinatid ni Ynna si Chloe sa bahay matapos niyang malaman na nakauwi na ako. Nakakaalis talaga ng pagod si Chloe "Halik na sa Mama!" salubong ko sa kanya at kay Ynna "Kumusta ang pag-aaral?" tanong ko saka ko siya kinandong, kapwa pa kami hindi nakabihis.

"Okay lang po, Ma alam mo ba, ako ang Top 1 sa klase namin!" masaya niyang balita sa akin matapos ipakita ang tatlong star sa kamay niya.

"Wow very good! Manang-mana kay Mama!" saka ko siya pinaulanan ng halik.

"Hebe, mauuna na ako, kailangan ako ni Mama sa Clinic eh..." paalam ni Ynna.

"Salamat Ynna, hindi ka ba kakain muna?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na Hebe, sa susunod na lang, hindi ba uuwi si Kiro?" tanong niya saka ako umiling.

"Bukas na uwi niya, iba na kasi ang shifting niya sa pagmamaneho..." sagot ko at tumango siya.

"Mag-ingat kayo ah!" paalala niya saka tuluyan na rin lumabas ng pinto.

"Bihis kana bulinggit!" utos ko kay Chloe, dumiretso ako ng kusina saka binuksan ang ref, nagulat ako ng andaming laman nun at panay mamahalin na pagkain "Saan kaya galing ito?" tanong ko sa sarili ko matapos maghanap ng lulutuin para sa hapunan.

"Mama!" tawag sa akin ni Chloe matapos niyang magbihis "Gusto ko po ng hotdogs..." sabi niya sa akin matapos umupo sa tabi ko.

"S-Sige..." sabi ko saka kinuha ang isang ballot ng hotdogs na nasa freezer "Si Tito Tatay mo ba ang bumili nito? O ang ninang mo nanaman?" tanong ko sa kanya

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!