Ano nga ba aking nakain
Bat nga ba ako nag papa-alipin
walang ibang nakikita aking paningin
Kundi ang pag-ibig mo sakin
Nawala na aking tapang
sayo nga akoy hibang
Bulag sa katutuhanan
Na akoy maypunyal sa likuran
Nais kung magwala
Nais kung magalit
Nais kong iwan ka
Nais kung ikay ipagpalit
Bakit ba di ko magawa
natatakot na ikay mawala
Kahit harapharapan akong binabalahura
Pikit matang yinayakap aking tadhana
Ano ba aking nagawa
Ano ba aking sala
Ano ba sa akin ang wala
Bat ka ba nangaliwa
Ngunit bawat pisi ay maykatapusan
Bawat galit ay may sukdulan
Kung hindi mo sya lalayuan
Makipaglalaro kayo kay kamatayan
Banlag nga iyong paningin
Kayat saming dalawa kay nahumaling
Ngunit nagising na sa pagkahimbing
Uumpisahan ko na bangungut ng inyong libing.
ESTÁS LEYENDO
Ang Babae Sa Likod Ng Salamin
PoesíaIto ay koleksyon ng mga tula ng puso sa ibat ibang pagkakataon, ibat ibang panahon, sa ibat ibang katauhan at ibat ibang nilalang ngunit sa mundo ng kalalakihan. Samahan nyo kung tuklasin ang hiwagang umiikot sa mundo ni adan, nagkukulay pula din ka...
