“Subuan mo naman ako!”, utos ni Andy sa asawa.

Marahan ay sinubuan ni Rina si Andy ng cake. Habang sinusubuan ng cake ay nakangiting tumitig si Andy sa asawa.

“Ang ganda-ganda talaga ng asawa ko. Alam mo bang labis kitang na-miss kahit na isang araw pa lamang akong namamalagi sa Hong Kong?”, si Andy na tila bigla na lamang nagiging malambing sa asawa.

Napapangiti naman ng pilit na tumango-tango si Rina sa tila paglalambing sa kanya ng asawa.

“Sa mga ganitong panahon ng buhay ko ay labis akong nasasabik sa pagkalinga ng aking asawang alam kong laging nandiyan upang ako ay mahalin.”, si Andy na biglang naging malungkot ang tono.

“May dinadaramdam ka ba, ha Andy?”, ang tila nag-aalalang tanong ni Rina sa asawa.

“Alam mo bang sinuspinde ako ng pesteng kumpanyang iyon? Pinagbibintangan ako na isa mga dumispalko ng pera! Putang ina nila! Antagal kong nagpapakagago para lang mapayaman sila tapos ngayon ay pagbibintangan pa nila akong may kinalaman sa pagkawala ng malaking pera sa pesteng kumpanya nila! Putang ina! Ganito ba nila tratuhin ang empleyadong naging tapat sa kanila ng maraming taon!”, ang galit na pagsesentimyento ni Andy sa asawa.

Parang nakaramdam naman ng bahagyan pagkaawa si Rina sa asawa.

“E hanggang kailan ka naman daw suspendido?”, muli ay alalang tanong ni Rina sa asawa.

“Hanggang hindi raw natatapos ang imbestigasyon at habang di daw nalilinis ang pangalan ko! Mga peste sila! Ano balak nilang gawin sa akin? Matengga na lang! Putang ina talaga!”, si Andy na mas lalo pang naging galit sa kanyang patuloy na pagsesentimyento.

Naawa namang niyakap ni Rina ang asawa na tila ba gusto niya itong kalingahan, pero siya ay agad pinalis ng asawa.

“At ano ang ibig sabihin ng mga pagyakap mo? Para pagmukhain akong nakakaawa! Hoy! Kahit kailan ay hindi ako nanghingi ng awa kahit na kanino! Naintindihan mo? Ha Rina!”, ang bigla ay nagagalit na pahayag ni Andy kay Rina.

“Andy…”, ang nasabi na lang ni Rina sa ginawang pagpalis at pagbulyaw sa kanya ng asawa.

“Maayos na ba yung kama ko? Pagkatapos ko dito ay matutulog na ‘ko! Baka mamaya ay stripe na naman ang pundang inilagay mo sa unan ha! Kahit man lang sana maging maayos ka sa mga ginagawa mo ay bahagya nang mapapalubag ang loob ko buhat sa katakot-takot na problema ko ngayon. Kaya kung maari ay ayusin mo ang mga ginagawa mo. Puwede ba?”, si Andy na sila nagsimula na naman sa kanyang pagiging dominante sa asawa.

“Okay, Andy…”, ang natutugon na lang ni Rina sa tila pag-uutos sa kanya ng asawa.

“Anong okay? Ang gusto kong malaman ay kung malinaw ba sa iyo ang mga sinasabi ko at ang mga gusto kong mangyari!”, si Andy na parang di na talaga maawat sa pagbulyaw sa asawa.

“Malinaw, Andy…”, si Rina sa halos ngatal nang tinig.

“Magaling kung ganon! Sige na! Iligpit mo na ang mga kalat dito sa mesa at nang makatulog na tayo!”, ang panghuling pag-uutos ni Andy sa asawa.

Naluluha ay nagsimulang magligpit ni Rina ng mga pinagkalatan ng asawa sa mesa.

“Ito na kaya ang katapusan ng mga maliligayang sandali namin ni Robert at ng aking pagbalik sa nakababato at napakamiserableng pamumuhay sa piling ni Andy?”, ang naluluhang natatanong ni Rina sa sarili habang nagliligpit ng mga pinagkalatan ng asawa sa mesa.

Sa pag-uwi naman ni Robert sa kanilang bahay sa may tabing ilog sa Pineda ay nadatnan niyang lasing na lasing at tila nagwawala ang kanyang kuya na si Wacky.

“Kuya, ano nangyari? Bakit puro dugo ‘yang mga kamay mo?”, ang nag-aalalang tanong ni Robert sa kuya.

“Robert! Iniwan na ‘ko ni Elsie!”, si Wacky sa halos humahagulhol na tinig.

“Bakit, kuya? Ano nangyari?”, muli ay nag-aalalang tanong ni Robert  sa kuya.

“Sumama na siya sa putang inang pulis na nakilala niya sa Pasig! Putang ina nila! Huwag lang silang magpapakita sa akin at tiyak na mapapatay ko sila!”, si Wacky na napahagulhol na talaga sa matinding pagsisiwalat ng galit sabay muling pagsuntok sa mga pader.

Si Robert naman ay naaawang inawat ang kuya.

“Tama na ‘yan, kuya! Tama na!”, ang nag-aalalang pag-awat ni Robert sa nagwawalang kuya.

“Hindi e! Mga putang ina nila! Mga traydor sila!”, si Wacky na patuloy ang pagwawala.

Habang inaawat naman ang nagwawalang kuya ay may kung anong naiisip si Robert.

“Ganito din kaya magwawala ang asawa ni Rina kapag nabisto nito ang tungkol sa amin?”, ang tila nababahalang bulong ni Robert sa sarili.

KabetWhere stories live. Discover now