L.A SIDE STORY#1: FINALE

Magsimula sa umpisa
                                    

“Kase pag sinabi ko kung nasaan siya, baka mamaya may gawin nanamang hindi..”

“Pare, akala ko ba kaibigan kita?! Hindi ka ba nag iisip?! Dapat imbis na tumahimik ka diyan sinabi mo kung nasaan siya, tinulungan mo sana siyang maka takas!”

“Naiintindihan kita…” lumapit ito sa guard may sinabi lang ito at pagkatapos pinapasok na kami sa bahay nila.

“Ngayon sabihin mo sa akin kung nasaan si Mea.”

“Darth pare, kumalma ka muna..”

“Paano ako kakalma?!”

“Nandun siya sa kwarto niya, ilang araw na siyang hindi lumalabas. Pumapasok nga ako pero, ayaw niya.” Nang sabihin yun ni Sly, mas lalo akong kinabahan at nag alala. Sakit talaga sa ulo tong babaeng to.

*Calling Mea...

Nang makita ko sa screen ng cellphone ko kung sinong tumatawag, hindi na ako nag dalawang isip na sagutin yun.

“Ganito nalang ba lagi gagawin mo sakin hah?! Nasaan kana?''

''Huwag mo na akong hanapin..'' napatigil ako sa paglalakad.

''Nababaliw kana ba?! Mahal kita kaya natural lang na hahanapin kita, nasaan kana ba??'' hindi ko alam kung umiiyak ba 'to, dahil iba ang tono ng boses niya.

''Mea.. Nasaan kana??'' tumigil kami sa tapat ng kwarto niya, ngunit naka lock pa rin ito.

''Darth, thank you kase nung mga araw na nakita mo ako.. Nung mga bata pa tayo, doon ko lang naramdaman na tao ulit ako.''

''Anong.. Mea! Ano ba!!'' hinawakan ko yung doorknob at sinusubukang sirain yun.

''Mea! Buksan mo tong pintuan!! Hindi na nakakatawa 'tong ginagawa mo.''

''Darth... Hihingi ako ng pabor, pwedeng kahit ngayon lang hayaan mo akong mag isa?? Pagod na pagod na yung puso ko, hindi ko na kaya. Sa sobrang sakit pakiramdam ko sasabog na yung dibdib ko.''

Nung sabihin niya yun, nagkatinginan na kami ni Sly. Pareho na kaming kinutuban. May gagawin na hindi maganda si Mea,

''Darth.. Maraming salamat sa lahat lahat, kahit na matagal bago mo ako nakilala masaya ako. Masayang masaya ako, dahil kahit hindi mo ako pinapansin dati masaya pa rin ako. Dahil abot kamay ko lang yung taong nag bigay ng dahilan sa akin para mabuhay..''

''Mea! Isa! Wawasakin ko na tong pintuan mo! Mea!!!''

''Darth, mauuna na ako... lagi mong tatandaan na mahal kita''

*tut..tut..tut..

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon