SPEAKERS
Makikita yan na kino-connect sa Computer o kaya naman sa MP3 Player. Yan din yung plural term ng "speaker". Pero alam mo ba kung ano ang mas magandang deskripsyon sa salitang "speakers"?
Yun ay ikaw. Isa kang speaker na naglalabas ng iba't-ibang salita na aking pinapakinggan. Minsan nakagagaan ng loob. Minsan naman nakakainis sa sobrang relate ng mga nilalabas mong salita.
Noong una, ang sarap mong pakinggan. Ang sarap sa tenga. Pero, sabi nga nila, "Lahat ng sobra ay masama."
Sa sobrang pagbubuga mo ng mga salita, hindi ka na nga marunong makinig, nakakasakit ka pa ng damdamin. Puro ka nalang buga ng buga. Gusto mo ikaw lang ang pinapakinggan, pinagbibigyan.
Kaya kasabay ng pagkasira ng nakararaming " speakers" na nabibili sa CD-R King, nasira na rin ang ating "relationship."
-End-
