Sana

19 0 0
                                        


Heto na naman tayo. Bagong araw na naman para umasa at saktan ang aking sarili. Hanggang kailan kaya ako magsasawa? Hanggang kailan ako aasa? Hanggang kailan ako magpapakatanga?

Siyempre biro lang.

Wala naman akong buhay pag-ibig. At saka wala din akong panahon para dyan. Paano ba naman, mukhang itinadhana talaga akong magtandang dalaga. Siguro nga ganito na lang ako habang buhay. Siguro gusto ng Diyos na ilaan ko na lang ang buhay ko para tumulong sa ibang tao. Siguro ito nga yung misyon ko.

Hay.

Pero bakit di ko mapigilang malungkot?

Ay, hindi. Masaya naman ako kahit papano. Yun nga lang, di ko maiwasan ang mga pagkakataon na nalulumbay ako. Yung pakiramdam na mag-isa ka lang kahit na marami namang nagmamahal at nagbibigay-halaga sayo. Yung tipong parang may kulang? Parang hindi mo mapuno puno yung kasiyahan na naitanim mo sa puso mo? May ganun ba? Ako lang ba nakakaramdam nito?

Siguro.

Masyado ko na atang pinoproblema ang pag-ibig. Napaghahalataang tumatanda na talaga ako. Kabanas naman, bakit ko naman kasi kailangang maramdaman to? Marami namang rason para mapuno ko ang kasiyahan dito sa puso ko ah? Hay, ang labo talaga ng buhay.

Nako, malala na ako.

"Miss? Miss!"

Naalimpungatan ako sa pagyugyog ng nilalang na katabi ko sa jeep. Hala, nawala ba naman ako sa sarili. Nakakahiya. Napayuko na lang ako at pasimpleng kinuha yung cellphone ko. Ayoko kasing tingnan ang reaksyon ng katabi ko. Nararamdaman ko kasing pinagtatawanan ako neto. Nagmukha na naman kasi akong tanga.

"Miss? Nakabayad ka na?"

Napa 'huh' ako sa sarili at huli na ng mapagtanto kong napaangat na pala ako ng tingin.

At sana hindi ko nalang ginawa.

Sana hindi ko na lang sinabi na wala pa.

Sana hindi ako nag-angat ng tingin nung niyugyog nya ako.

Sana hindi ko sya pinahintulutan na ilibre ako ng pamasahe.

Sana hindi ko na lang sya hinayaang dalhin ako sa lugar kung saan pinakapaborito ko.

Sana hindi ko sya hinayaang bigyan ako ng mga bagay na alam kong may espesyal na dahilan.

Sana hindi ko rin ipinaramdam sa kanya ang mga bagay na gusto kong iparamdam sa isang tao lamang.

Sana hindi ko sya binigyan ng pagkakataon na suyuin ako at gawin ang mga bagay para masagot ko sya.

Sana hindi ko na lang hiniling ang pakiramdam na may nagmamahal.

Sana hindi ko na lang sya nakilala.

Sana pala hindi na ako humiling pa ng pag-ibig.


Bakit nga ba puro sana?


Bakit ko ba pinapaalala sa sarili ko ang lahat ng 'sana' na dapat ginawa ko?




Dahil sana...







Sana hindi ko mararanasan ang masaktan ng ganito.



FIN.

Date Started: 2/11/16

Date Finished: 2/11/16

Sana (One Shot)Where stories live. Discover now