Inayos muna niya ang sarili bago siya kumatok at pihitin ang doorknob. Agad na bumungad ang amo sa paningin niya na abala sa mga papeles sa ibabaw ng lamesa nito.

     “ Anything, sir?” magalang niyang tanong at tuluyan pumasok.

     “ Yeah. I’m lazy to go out for lunch. So I just ask someone to bring my lunch here. But then, I don’t want to eat alone so I asked Belle to call you,”

Napatingin siya sa maliit na mesitang puno na pagkain. Napalunok siya. Paano nila uubusin ang mga iyon?

     “ Have a seat,” tumayo ito at lumapit sa mesita.

     “ S-sir, how are we going to finish all of this?” complain niya habang tinutulungan ito sa pagpi-prepare.

     “ My mother told me last that you have to gain weight,” masiglang wika nito.

Hindi niyo na problema iyon ng nanay mo, gusto niyang sabihin kay Lin. Sa halip ay napangiti na lamang siya ng pilit. Pati ba naman iyon ay mapapansin pa ng matapobre niyang ina?

     “ Sir,”  nasambit niya.

     “ What?”

Huwag ka namang ganyan. Bawal ako ma-in love sa ‘yo. Aatakihin ako sa puso niyan,e!

    “ M-My breaktime is almost finished,” sa halip ay naisagot niya.

    “ I have permission from Belle, okay?” magsasalita pa sana ito nang bigla namang mag-ring ang telepono nito. Nagsabi lamang ito ng “Excuse me,” para sagutin ang tawag.

Sinenyasan siya nitong magsimula ng kumain na sinunod niya rin naman. Actually, she love to eat. Considering na mouth watering ang pagkaing nasa harapan niya. Habang abala si Lin sa pakikipag-usap ay abala din siyang lantakan ang pagkain sa mesita. Kahit pa sabihing di siya ganoon kagutom dahil kumakain sila ng mga kaibigan nang ipatawag ni Lin.

Maya-maya’y naisipan niyang senyasan ito na susubuan na lamang niya dahil hindi maputol ang pakikipag-usap nito sa telepono sa salitang Mandarin.

Biro lang iyon sa kanya. Hindi niya sukat akalaing totohanin ng lalaki nang maupo ito sa tabi niya ngumanga para subuan niya.

Napilitan tuloy siyang lagyan ng pagkain ang bibig nitong naghihintay. At hindi lang iyon. Pasenyas pa nitong inutusang siyang punasan ang minantikang bibig at painumin ng coke. Ano siya? Yaya?

Tama na! babala niya sa sarili. Kapag na-inlove ako sa iyo, kasalanan mo! Pero, oh my, oh my naman! Sino’ng hindi mai-inlove? Guapo na! Mayaman pa!

Naisip niya, nananadya ba ito? Andami naman nitong puedeng yayain para saluhan siya sa pagkain, e, bakit siya pa? Kasama ba ito sa pagbabayad niya ng utang? Kapag nakita siya ni Mrs. Ming na malapit siya kay Lin, siguradong magagalit ito sa kanya. Nangako pa naman siya sa Ginang na hindi ito dapat mag-alala sa kanya. Tila hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa ang babala nito sa kanya. “ Don’t fall in love with my son,”.

Sukat sa isiping iyon ay napaigtad siya sa kinauupuan. Sinuri niya ang relong pambisig at kunwa’y sumenyas kay Lin ng “ Time is up” at tinungo ang pintuan. Subalit bago pa siya tuluyang nakalabas doon ay nahagilap ni Lin ang kamay niya at hinatak papasok ulit ng opisina.

Bigla’y tila may boltahe ng kuryenteng dumaloy sa katawan niya sa pagkakakulong ng maliit niyang kamay sa kamay ni Lin. Tinangka niya iyong bawiin subalit pinukulan lamang siya nito ng nagbabantang titig.

Iginiya siya nito na muling maupo sa sofa. Wala siyang nagawa kundi sumunod na lang. At upang maibsan ang tensiyong namamayani ngayon sa katauhan niya’y dinampot niya ang kutsara at sinubuan si Lin ng pagkain. Parang bata naman itong nagpapabaya lang sa bawat pagkaing ilalagay sa bibig ni Lin. Hanggang matapos itong makipag-usap ay hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya.

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Where stories live. Discover now