“ T-Thank you,” aniyang nauutal tsaka lumabas ng sasakyan.

Nasa recovery room na si James, ayon sa nanay niya. Tatlong araw pa ay maari na itong lumabas ng hospital. Susundan na lamang ng monthly check-up para masigurong talagang ligtas na ito sa peligro.

Abot-abot ang pasasalamat ni Amanda sa Diyos. Lingo noon kaya nagsimba siya. Wala naming opisina ang amo kaya pinayagan siya nitong magsimba. Nangako na lamang siyang babalik kaagad upang maasikaso ang pangangailangan nito.

Malinaw ang naging usapan nila. Biyernes at Linggo ay sa bahay lamang siya magta-trabaho. Iyon din ang mga araw na sa bahay lamang si Lin at nagpapahinga. During working days ay sabay silang aalis ng bahay. Sabay ding babalik ng bahay upang siya nama’y maghahanda ng hapunan nito. Tsaka ihahanda ang mga gagamitin nito sa mga susunod na araw. Maglalaba, magpa-plantsa, maglilinis ng bahay. Kung may oras pa sa umaga’y nagha-hardin din siya.

Sa umaga’y alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na siya. Luluto ng agahan. Pagkatapos ay sariling pangangailangan naman niya ang dapat niyang ayusin.

Ang gaan-gaan ng kalooban niya nang lumabas ng simbahan. Pakiramdam ba niya’y lumiwanag ang paligid.

Ligtas na si James. Iyon lang ay sanlibo’t-sanlaksang kaligayahan na para sa kanya. Kahit sabihin pang baon siya sa utang. Kahit sabihin pang kayod-kalabaw siya ngayon. Para sa kanya’y ito ang tinuturing niyang twist of life. Of her life.

Napangiti siya habang naglalakad palabas ng simbahan. Ngiting biglang nahalinhan ng pagkataranta nang bumangga siya sa malapad na dibdib ng taong sinadyang harangan ang daanan niya.

     “ S-Sir Lin!” napalakas niyang sambit. Nakaagaw tuloy siya ng pansin sa mga taong papasok pa lamang ng simbahan para sa susunod na misa.

     “ I know you’re so happy because of James. But….don’t do that again,” bahagya pa itong yumuko sa kanya para ibulong ang huling pangungusap.

     “ W-what?” kulurot ang kilay na napatingala siya sa amo.

     “ Smiling alone,” bulong ulit nito sa kanya. “ Let’s go. We’re dragging attentions here,” sabay itong tumalikod sa kanya.

Napalingon siya sa paligid bago halos lakad-takbong sumunod sa likuran ng ni Lin. Marami na ngang matang nakatutok sa kanila.

Hmmmnnn…bakit nandito ‘to? Tanong niya sa sarili. Sinusundo ba siya? Marunong naman siyang umuwi,a!

    “ S-Sir, aren't you playing golf today?” normally kasi’y naglalaro ito ng Golf sa Empire kapag Linggo. Kahit noon pang hindi pa ito ang namamahala ng Supermarket nila. Kahit papano’y may idea siya sa mga activities ng mga anak ni Mrs. Ming.

    “ No,” maiksing sagot nito.

Tumango lamang si Amanda. Kapag ganitong maikli ang sagot ng kausap ay pinagpapalagay na lamang niyang hindi nito gustong makipag-usap. Itinuon na lamang ni Amanda ang paningin sa labas.

Nagulat siya nang huminto ang sasakyan ng amo sa tapat ng isang restoran.

Nagluto naman siya ng almusal nito bago umalis papuntang simbahan,a!

     “ Your fried egg is too salty. And the bacon was a bit burnt,” tila nabasa nito ang tinatakbo ng utak niya.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya.

    “ I- I’m sorry,sir,” mahinang usal niya.

Bahagya lamang ngumiti si Lin.

   “ When we're done eating this breakfast, we have to go and buy some groceries. And then, I’ll teach you how to drive,” tuluy-tuloy ito sa pagbaba ng Lexus nito.

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Where stories live. Discover now