TITLE: Break na Tayo!
Sa Luneta. May nag-aaway na mag-lovers. Nakaupo sila sa may bench. Kanina pa dakdak ng dakdak yung babae.
"O ano bakit ka natahimik? Sumagot ka!" Halos pasigaw na sabi nung babae sa bf niya.
Halos di makaimik yung lalake.
"Sagot sabi!"
"Paano naman ako makasagot sayo e kanina ka pa ng dada ng dada dyan! Adik ka ba?" Sabi naman sa kanya nung lalake.
"Ako adik? Yan pala tingin mo sa akin nagsya- shabu? Oo adik ako. Adik ako sayo!".
"Kapag sinabi bang adik, Nagsya-shabu agad? Pwede bang adik lang sa mga bagay bagay?"
"Oo sige na ako na mali! Ako na ang adik! Yan naman gusto mo marinig diba!"
Tinitigan nung lalake yung gf niya at hinawakan niya ito sa dalawang kamay.
"Sorry, itigil na natin ito di ko na kaya. Mag-break na tayo."
Tapos biglang tumulo yung luha sa mga mata nung babae.
"Sabi ko na nga ba ayaw mo na sa akin. Siguro meron ka nang iba yung mas higit sa akin? Sige magsama-sama kayo! Ganyan kayong mga lalake pareho pareho lang kayo!"
Tumawa ng malakas yung lalake. Nagtaka naman yung babae.
"Anong tinatawa tawa mo dyan a? May nakakatawa ba? Mukha na ba talaga akong abnormal sa paningin mo? Sumagot ka!"
"Oo abnormal ka pero mahal kita!"
"No thanks! Uutuin mo pa ako, makipag-break ka naman din sa akin!".
"Hahahaha. Ang sabi ko breaktime na! kain na tayo." Sabi nung lalake.
Napangiti naman yung babae sa tuwa. Narinig niya rin ang pagkulo ng tiyan niya.
"Sabi ko na nga ba gutom lang ito e!" Sabi nung babae.
At nagtawanan silang dalawa. The end.
