Dear You,
Una kitang nakita sa garden ng school, umiiyak ka habang nakasubsob ka sa iyong mga tuhod. Gusto sana kitang lapitan pero naghihiya ako. Oo, alam kong napaka torpe ko nun. Pano ba naman, di natin alam ang existence ng bawat isa. Araw- araw na kitang tinatanaw simula na araw na iyon. Lagi kitang nakikita kasama ang mga classmates mo o di kaya ang mga kaibigan mo. Nung second year college tayo magkatabi pa tayo nun ng upuan, damang-dama ko ang presensiya mo pero ikaw parang wala lang. Nakakatawa nga na ako pa yung lalaki parang ako pa yung kinikilig sa ating dalawa. Matagal ng sabi-sabi nila na suplada ka daw at napatunayan ko yun ng minsan sinadya kitang banggain at alam mo ba kung bakit? Kasi gusto kong malaman mo rin ang pangalan ko, na nag exist din ako sa mundo mo.
Love,
Me
