PROLOGUE

161 7 2
                                    

Pauwi na sa kanyang bahay si Xandria nang biglang tumigil ng kusa ang kanyang kotse. Galing kasi siya sa kanyang inaanak dahil nag-birthday ito kaya ginabi na siya ng uwi. 
Mula Laguna, bibiyahe pa siya sa kanyang bahay sa Alabang. Kahit anong pigil ng kanyang kaibigan na magpalipas ng gabi sa kanilang bahay ay hindi siya pumayag dahil kinabukasan may pasok pa siya sa trabaho.

Isa siyang Obygene doctor sa St. Luke's. Ang kanyang mga pamilya ay nasa states na nakatira, siya lang itong ayaw lisanin ang pilipinas dahil dito siya masaya.

Bumaba siya ng kanyang kotse at tiningnan kung ano ang nangyari. Mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyang dumaraan dahil nga hating-gabi na at bigla siyang nakaramdam ng takot.

"Oh my God! Bakit ngayon ka pa nakisabay? Paano na ako uuwi nito? Kausap niya sa sarili nang makababa habang palinga-linga sa paligid dagdag pa dahil nakainom siya ng konti.

Pumutok ang isang gulong ng kanyang kotse at iyon ang ikinaiinis niya dahil hindi niya inaral na gawin yun kahit anong turo ng kanyang kuya noon.

Pigil ang hikbi niya dahil hindi niya alam ang gagawin. Nang may bigla siyang narinig na mga yabag na papalapit sa kinaroroonan niya.

She slowly turn around and her face was in shock. She can't breathe normally dahil sobra ang kabog ng kanyang dibdib. A man was standing now a few meters away from her was bleeding. No! It wasn't bleeding dahil ang labi lang niya ay may bahid ng dugo tapos ang kulay ng mata magkaiba, asul at golden brown.

Bigla siyang kinilabutan. Kumapit siya ng mabuti sa pinto ng kanyang kotse dahil nanginginig na siya sa lamig at sa taong kaharap niya ngayon. Ewan kung tao ba ito o kung anong klaseng nilalang.  Nasisiguro niyang hindi ito ordinaryong tao dahil mahilig siyang manuod ng mga Vampire movies o wolves.

Speaking of Vampires. "Does Vampire really exist? Biglang saad ng kanyang isipan at agad itong iwinaksi.

Nang nasa tapat na niya ang lalake, tiningala niya ito. Pigil ang hiningang tinitigan niya ng mabuti ang hitsura. Nakasuot ito ng maong pants na may mga butas-butas at T-shirt na may bahid pa ng dugo na humahakab sa magandang katawan. At nang matitigan niya ang mga mata into para siyang itinulos sa kinatatayuan, yun bang parang may sinasabi siya sa pamamagitan ng kanyang tingin. Napakaganda at nakakaakit titigan.

"What are you doing in this creepy place at this hour, miss?" Narinig niyang tanong ng lalake at bigla na lang siyang hinawakan sa braso.

Nang maramdaman niyang titig na titig ang estranghero sa kanya ay naalarma siya. Hindi na niya ito kaya lalo na't nangangatog na ng sobra ang kanyang tuhod.

Makalipas ang ilang segundong pagtitig ng lalake sa kanya ay unti-unting umiikot ang kanyang paningin. Siguro dala na rin ng konting alak kanina na tinikman niya at lalong mabilis pa siyang malasing.

Ramdam niya ang pagkahilo kaya ng hindi na niya kinaya at bigla siyang napasubsob sa lalake na ikinabigla naman nito at tuluyan na siyang nakatulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving The ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon