Chapter VI

81.2K 1.5K 71
                                    

[Dedicated to you! Maraming Salamat sa support! Godbless!]

*Be Strong*

In the end, it's not going to matter how many breaths you took, but how many moments took your breath away ..

- shing xiong

Cass' POV

"Thunder! Storm! No!" at gumapang ako palapit sa dalawa na naglalaro ng bola. Nalingat lang ako sandali nakawala na sa hawla yung dalawa.

Naglalaro kasi sila ng bola, si Storm ibabato palayo yung bola, eto namang si Thunder, gagapang palayo at saka kukunin ang bola, kung hindi naman isa't kalahating maloko si Storm e, sununod din gumapang at nakipag unahan kunin yung bola.

"Bla bla bla!" agaw ni Storm kay Thunder ng bola.

Eto namang si Thunder gumapang palayo at daladala yung bola.

"Uwaaaaaa .. waaaaa .." ayan umiyak na si Storm. Napahinto si Thunder sa pag gapang at saka pinagulong yung bola palapit samin ni Sorm. At kinuha na lang nya ang laruang robot, habang si Storm ay kinuha yung bola at lumapit sa kuya nya.

What a scene. Bata pa lang yet they know how to handle each others flaw. Natutuwa ako sa kanila. At mas lalo ko pang pinagbubuti ang pag aalaga sa kanila. Gusto kong maging mabuting ina para sa kanila. Ibigay lahat ng kaya ko. At alagaan sila sa abot ng makakaya ko.

Nanlabo ang mata ko, habang nakatingin sa dalawang anghel ng buhay ko. Bumalik na naman sa ala ala ko yung tungkol sa sakit ko. Mahirap para sakin na tanggapin ang totoo. Pero kinakaya ko. Gusto kong patunayan na nagbago na ako, na hindi na ako yung Cass na iyakin, yung madaling sumuko, yung mahina ang loob, yung di kayang lumaban para sa sarili nya. Nagbago na ako, malakas at matatag, para sa mga anak ko, para kay Bhie.

"Ma'am tumawag po si Sir, oras na po ng inom ng gamot nyo."

Napatingin ako sa katulong namin at kinuha yung gamot at isang baso ng tubig na inaabot nya. Walang nakakaalam ng tungkol sa sakit ko, kami lang ni Bhie, si Doc Galvan at si Aira. Walang alam ang pamilya ko, alam kong di namin to matatago habang buhay, pero walang isa samin ni Bhie ang nag open ng topic para ipaalam sa kanila. Kung ako ang tatanungin, sa totoo lang, wala pa kong desisyon, dahil simula ng nalaman ko yung sakit ko, wala na kong ginawa kundi piliting wag isipin yun, pilit kong tinataboy sa isipan ko. Pero kahit anong gawin ko. Hindi mababago 'to, may sakit ako, makakalimutan ko ang lahat, ang pamilya ko, si Bhie, ang mga anak ko, kaibigan at pati sarili ko, mabubuhay akong inosente at walang silbi. Hanggang sa mamatay na ako. Siguro nga dapat ko ng sabihin sa kanila, hindi ko alam kung hanggang kelan ang tino ng utak ko, baka bukas, sa isang linggo o sa isang buwan makalimot na ako, at sayang ang oras. Gusto kong sulitin ang oras at gumawa ng masasayang ala ala kasama nila. Kaya dapat ko ng ipaalam. Hindi ako iiyak, tatanggapin ko to. Coz I know, God has a purpose.

Cassadra's Big Love (Published)Where stories live. Discover now