Prologue

54 9 0
                                        

Sabi nila Life is just like a movies, parang pelikula na ikaw ang bida sa sarili mong istorya. minsan masaya, minsan malungkot, minsan mahihirapan ka, masasaktan , iiyak , then darating yung point na may taong darating para tumulong at sumaklolo sayo ...

Then ma-iinlove ka, masasaktan, pero sa bandang huli magiging masaya ka pero syempre kapag masaya ka na yun na yung point na Ending na ng istorya...
Pero hindi ako naniniwala na ang buhay ay parang pelikula, dahil sa pelikula pwede mong mabago ang istorya, pwedeng palitan ng masaya ang bawat malungkot na eksena, pwedeng mamili ng taong mamahalin mo, kapag alam niyong malapit na ang katapusan pwede niyo pang dugtungan ,hindi ka matatakot na nahihirapan ka at nasasaktan dahil alam mong sa dulo ng istorya ikaw pa rin ang bida at magiging masaya.

Sa totoong buhay, hindi ganyan, hindi mo mababago ang takbo ng istorya ng buhay mo, hindi mo mapapalitan ang mga pangyayari sa buhay mo, hindi ka makakapili ng taong magmamahal at seseryoso sayo, hindi mo malalaman ang katapusan, at hindi mo masisigurado kung anong mangyayari sayo kinabukasan .

sa pelikula kapag Ending na, dun palang nagiging masaya yung bida , pero sa totoong buhay kapag ba namatay ka? kapag Ending mo na ? magiging happy ka pa? hindi naman diba?
kasi nga
life is Not Like The Movies ...

Not Like The Movies ...Stories to obsess over. Discover now