Part 2

84 1 0
                                    

JANEL'S POV

          Ako si Ma. Janella Madison, isang babaeng hindi nanawa sa fashion, shopping, at ayoko sa corny. Alam mo yun, yung corny kausap. Ayoko sa weird, sa pasaway, sa childish at higit sa lahat sa pa-epal. That's me... Maarte di ba? Alam ko naman yun..

"New school again? Palipat-lipat na lang ako palagi" Reklamo ko

"Yes, Janel... Gagawin ko ang lahat wag lang malaman ng iba ang sekreto natin" sabi ni Ate Jacky

"Ano namang masama kung malaman nila?" sabi ko

"Pwede kang mapahamak Janel, katatakutan ka nila at posibleng ituring kang salot" sabi ni Ate Jacky

"Salot? Ate, hindi nila gagawin yun" sabi ko

"Eh kung malaman ni Edward yun? anong gagawin mo ha? Nakakasiguro ka bang tatanggapin ka pa nya?" sabi ni ate

"Mahal nya ako, at mahal ko sya. Hindi niya magagawa yun" sabi ko

"Let's see, nasa huli ang pagsisisi Janel" sabi nya at lumabas sa kwarto ko.

            Bakit ba kasi nangyari pa ang pangyayaring yun, minsan naiisip ko na napaka-malas kong tao. Namatay sa car accident ang mga magulang namin ni Ate Jacky, that time 5 years old pa lang ako. Nahirapan akong mag-move on pero nagawa ko din naman.

"Bwesit!" sabay tapon ko dun sa librong nasa harapan ko.

*SA SCHOOL.

"Si Janel oh?" sabi ni Katty

"Tara puntahan natin" sabi ni Queen, kahit maayos ako sa sarili hindi rin ako nakaligtas sa pangbu-bully ng ibang tao sa paligid. Mahina kasi ako sa academics eh, kaya tinutukso nila ako. Ano nga namang silbi ng ganda kung tanga naman?

"Hi Janel, kamusta ang grades mo sa Algebra?" mapangasar na sabi nya

"Don't tell me nasa line of 7 ka nanaman?" dugtong ni Queen

"sorry pero---" iiwas na sana ako sa kanila kaso humirit pa eh

"Ano? Bakit naduduwag ka? Mukhang may tinatago ka ah?" sabi ni Katty

"You can tell us para malaman ng buong school" sabi ni Queen

"Wala akong sekreto Katty, umalis na kayo" Matigas na sabi ko, nagagalit na talaga ako sa dalawang ito.

"Hindi ako makagalaw, ang sakit ng buong katawan ko" Daing ni Queen

"Ako din" sabi ni Katty.

"Sabi ko umalis na kayo!" bulyaw ko

"aray!" ang sigaw ng dalawa

       Pilit kong pinigilan ang emosyon ko, lumalabas ang isang sekretong hindi dapat malaman ng kung sino dyan. Nakatakbo ang dalawa, napansin ko sa isang gilid ang isang tao na importante sakin. Hindi! Nakita nya siguro ang lahat ng nangyari??

"Edward" malumanay na sabi ko at humakbang ako papalapit sa kanya

"Wag na wag kang lalapit sakin" sabi nya na bakas ang takot

"Edward, mahal... Bakit?" sabi ko

"Hindi ikaw si Janel. Halimaw ka! Umalis ka sa harapan ko, tulong!!!" Sigaw sya ng sigaw, dumating ang mga tao...

"Anong nangyayari dito?" sabi ng isa sa ka-schoolmate namin

"Halimaw sya! Hindi sya si Janel" sabi ni Edward

"Tama sya, may ginawa sya saming hindi maganda. Yung hindi kami makagalaw, feeling ko anytime pwede na ako mamatay" singit ni Katty

"Talaga! Paalisin sya!"

"Salot!"

"Umalis ka na!!!"

"Patayin yan nang mawalan ng salot sa mundo" 

Sigawan nila, nagkaisa silang saktan ako. Tumingin ako kay Edward na tila nagmamakaawa pero isa din sya, hindi man lang nya pinigilan o pinagtanggol ako.

"Wag!" ang sigaw ko, bago sila makalapit sakin agad naman akong tumakbo palayo. Tama si ate Jacky, hindi ako karapat-dapat sa mundong nakasanayan ko. Dapat nga siguro mamatay na ako pero kailangan ko munang makalayo.

"Kailangan ko nang umuwi" sabi ko sa sarili ko,  hindi ako tumitigil sa pagtakbo... Tumutulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pagkarating sa bahay agad akong dumiretso sa aking kwarto, tama ang sabi ni Ate Jacky. 

*Tok

*Tok

"Janel ang aga mo namang umuwi?" sabi nya sa labas

"Wala ate" 

"Umiiyak ka ba? Bakit ganyan ang boses mo, may nangyari ba?" halatang nag-aalala si ate dahil sa tono ng boses nya

"Okay lang ako ate, wala ito" sabi ko pa

"Alam kong may dinadala ka, pwede mong sabihin sakin. Kapatid mo ako" sabi nya

          Pinagbuksan ko sya ng pinto, pinapasok ko siya sa kwarto ko. Naupo sya sa gilid ng kama ko, ang sakit-sakit. Si Edward, I thought he love me pero sa ginawa nya kanina nawala ang pagmamahal na sana ay sa kanya ko ibibigay.

"Tell me" sabi ni Ate Jack sakin

"Ate tama ka, nalaman nilang lahat. Balak nila ako saktan, gusto nila ako patayin. Pati yung taong mahal ko pinagtabuyan pa ako. Ate ang sakit" sabi ko

"sabi ko naman kasi sayo eh, kailangan na nating makaalis dito. Baka sugurin nila tayo, bilisan mo mag-empake ka na" sabi ni ate at umalis din sa kwarto ko.

"Sige" nag-empake na ako, dinala ko lahat ng importante sa akin. Yung pictures namin ni Edward tinapon ko sa basurahan tsaka sinunog ko yun...

"Tara na" sabi ni Ate Jacky

*tok... *tok...

"Hoy halimaw! Lumabas ka dyan halimaw, alam naming nandyan ka" may sumigaw mula sa loob ng bahay. Tapos biglang nabasag ang bintana, may nakapasok na bato sa loob ng bahay. Patay! Kailangan na naming umalis.

"Tara na! Bilis Janel" sabi ni ate, dumaan kami sa likod. Buti andun yung kotse sa likod ng bahay at may daan sa likuran. Inistart na ni ate ang kotse at pinaharurot yun...

"ayos ka lang ba?" sabi ni Ate sakin, tumango-tango ako...

Dumaan kami sa isang daang puro puno, napaka-liblib na daan. Yung matatakot kang dumaan, feeling ko tuloy nasa loob ako ng pelikulang THE ROAD. Wag naman sana...

CARLA'S POV

       Ako si Carla Marie Dicen. Isang medyo tahimik, at moody akong babae. May kakambal akong kabaliktaran ko, gusto mo makilala? Siya nga pala si Carlo Marcelo Dicen, ang opposite twin ko. Maingay, makulit, hindi moody pero pasaway yan. May makulit na nga? May pasaway pa? 

"Hoy babae tawag kayo ni mom" biglang pasok na sabi ni Kuya JC

"Ikaw din naman ah" sabi ni Celo (Selo)

"Narinig nyo naman pala ang tawag ni mom eh? " sabi nya

"Ganyan naman kasi ang nangyayari lagi" sabi ni Celo

"Tara, ingay nyo. Bababa lang eh?" sabi ko

            Lumabas na kami ng kwarto at bumaba ng hagdan, nakita namin si mom at dad na nasa sala nakaupo. Naguusap sila pero nung napansin nila kami agad naman nila kaming binati, binati din namin sila...

"Lilipat na kayo ng school" Biglang sabi ni dad

"What?!" sabay pa kami ni Celo

"Yahoo!" sabi ni Kuya

__________________________________________________________________________

Thank you po, Happy Chinese New Year! Tikoy-tikoy pag may time hahaha!!! ^_^

The Balemor AcademyWhere stories live. Discover now