Kauuwi ko lang galing state, sobrang nanibago ako dahil nga matagal akong nanirahan doon. Kumusta na kaya sila? Naalala pa ba nila ako?
"Wow ikaw na ba yan?" sinalubong ako ni Stephen na nang aasar
"How are you?" tanong ko sakanya
"Okay naman. Ikaw ang kumusta?" tanong niya na parang hindi naman ako kachat araw araw
"Okay naman na. Sobrang daming pinagbago dito at hindi na ako sanay" sabi ko
"Mayaman kana kasi. Baka naman Chef Rk" asar niya
"Tsee" tapos niyakap ko siya
"Miss na miss?" sabi niya
"Epal ka talaga" sabi ko
Simula nung gabing umalis ako wala na akong naging communication sakanila well except sa pinsan ko. Iniwan ko yung pilipinas at iniwan ko yung mga taong mahal ko.
"May concert kami mamaya baka naman?" request ni Stephen
"As if naman gusto nila akong makita no?" sabi ko
"Rk matagal na yun at hindi mo naman kasalanan kung bakit umalis ka. Kahit manood ka lang then after alis kana" sabi niya
"Titignan ko" sabi ko
Dumiretso ako ng kwarto. Umalis na si Stephen dahil bumusina na yung sasakyan niya. Habang naglilibot ako nakita ko yung picture ni Shon. Sobrang sakit rin naman ng desisyon ko pero mas okay yun dahil alam kong pag ginawa ko yun magiging okay siya.
8pm. Pumasok ako, sobrang daming tao at ang ingay ng crowd. Wala akong sinabihan na uuwi ako maliban kay Stephen, alam ko galit sila sakin.
Lumabas sila at nakita si Shon. Sobrang gwapo pa rin niya at ganda ng boses. Sana okay na siya. Sobrang nakakaenjoy at nakakainlove ng boses nila.
After the concert sinubukan kong sumilip sa backstage. Nakita ko sila kasama ang mga kaibigan ko. Magpapakita ba ako? Or hahayaan ko nalang na si Stephen yung magsabi? Bahala na. Aalis sana ako ng
"Aalis ka nanaman?" napatingin at nagulat ako, lumingon ako at nakatingin silang lahat sakin
"Rk? Ikaw ba yan?" tumakbo si Kirt sakin at niyakap ako ng mahigpit
"Rk" paiyak na saad ni El
"Namiss ko kayo" sabi ko
"Rk" takbo naman ng boys maliban kay Shon na nakatingin lang
"We miss you tooo" sabi ni Prince
"I miss you all" saad ko
Alam ko marami akong explanation sakanila at marami akong dapat sabihin pero ganito muna. The last time na mag usap kami ni Shon ay hindi okay kaya siguro hindi niya ako nilapitan kanina.
Nandito kami sa Villa dahil celebration ng band nila. Hindi ako nilalapitan ni Shon kaya ako na yung lumapit, nagulat siya pero umiwas lang ng tingin habang nakatingin sa paligid
"How are you?" tanong ko
"Okay naman. Ikaw? Buti umuwi kana?" tanong niya
"Tapos na yung pangarap ko don. Balita ko nagrereview ka for exam?" tanong ko
"Yeah. Two weeks from now. May boyfriend kana?" tanong niya
"Wala pa. Ikaw? Grabe namang usapan to parang hindi tayo close ah?" natatawa kong sabi
"I'm really sorry Rk. Alam ko hindi tayo okay nung last na usap natin at alam ko niloko kita" saad niya
"Past is past. I'm sorry din kasi iniwan ko kayo, dapat kinausap kita pero to be honest sobra akong nasaktan nun kaya nagdecide ako." sabi ko
"Can we start? Being a friend again?" tanong niya
"Oo naman. One of the boys nga diba?" tapos tumawa kaming dalawa
---
YOU ARE READING
ONE OF THE BOYS
FanfictionIsang babae na napapaligiran ng tinatawag niyang oppas. Isang babae na magiging dahilan ng pagbabago ng mga kuya kuyahan niya at babaeng isasakripisyo lahat .. Ako si Rk at may apat akong kaibigan na tunay na tinatawag kong oppa. Meet my ultimate...
