Wala pa yung teacher namin kasi late naman yun lagi kaya may kanya-kanyang trip ang mga kaklase ko. May nakikipagkwentuhan, may nagcoconcert at naggigitara. At siyempre, mawawala ba ang mga naglalampungan-este-naglalambingan na mga maggigirlfriend at boyfriend.
Pero kung katulad niyo ako na tuyong tuyo ang love life, at may mobile data, edi nagfafacebook lang din kayo.
*bzzt bzzt*
Dale Jasper Padilla: "Hi Aphrodite. :)"
Aphrodite. Nakakatuwa, lahat ng kaibigan ko Venise ang tawag sakin. Minsan Pierce, pero ni kailanman hindi 'Aphrodite' ang hirap daw bigkasin. Pero mas importante, sino to? Paano niya ako nakilala?
Venise Aphrodite Pierce: Hello Dale. :D
Dale Jasper Padilla: Kamusta?
Magrereply na sana ako nang biglang...
"Good afternoon Ms. Villamayor!" Malakas na bati ng aking mga kaklase nang dumating na teacher namin.
Ano ba yan! Di ko siya nareplyan. Naseen ko lang tuloy. Paano kapag nasabihan niya akong seenzoner? Nakakahiya! Isipin niya pa, sino ba akong para mangseenzone sa lalaking katulad niya? Tutal wala na rin naman akong magagawa, mag-aaral na lang ako.
Last subject na, malapit na akong makauwi. Andaming nangyari ngayong araw, tatlong sunod-sunod na quiz. Nakakaloka naman. Tapos lahat surprise quizzes pa kaya ayun pati teacher na-surprise sa mga score namin.
Matapos ang araw ng paghihirap namin sa school, wala na akong gustong gawin pa kundi magpalit ng damit at matulog ng mahimbing. Pero may nakakalimutan ata ako.
SI DALE!
Agad-agad kong kinuha phone ko mula sa bulsa ng aking palda at tiningnan kung may message pa siya.
Dale Jasper Padilla: Aw, seenzoned. :(
Sabi ko na nga ba eh, mareplyan na nga.
Venise Aphrodite Pierce: Hi Dale. Sorry kung late ah? Dumating kasi yung teacher namin kanina eh.
Dale Jasper Padilla: Ayos lang. :) Nakaistorbo ata ako sayo nun e. Sorry.
Venise Aphrodite Pierce: Di naman. Wala kasi kaming teacher nung magkausap tayo kanina. :)
Dale Jasper Padilla: Ah. Ganun ba? Kakauwi mo lang?
Venise Aphrodite Pierce: Oo eh.
"VENISE APHRODITEEEE! KAKAIN NA! BUMABA KA NA KUNG AYAW MONG MAGHUGAS NG PINAGKAINAN NATIN!" Sigaw ng tatay ko.
Ano ba yan magkausap pa kami eh. Pero kahit gusto ko pa makipagusap kay Dale, kailangan ko pa rin bumaba. Ayaw ko maghugas ng plato eh.
"Wait lang papa pangs!" Sigaw ko naman sa aking napakabait na tatay at nagpaalam kay Dale.
Venise Aphrodite Pierce: Dale kakain lang ako. Brb.
Dale Jasper Padilla: Sure. Eat well :)
Habang nakain kami, biglang naisipan ng aking napakagaling na ama na pagtripan ako.
"Prinsesa ko! Baka may manliligaw ka na ha!" Asar ni papa habang nasa hapag kainan kami.
Paano ba naman daw kasi ang tagal ko daw bago bumaba. Porket matagal lang bumaba may manliligaw na? Di ba pwedeng di ako nakapagbihis agad?
"Danger, stop. You're too loud!" Sabi naman ni mame.
YOU ARE READING
Anim na Letra, Isang Salita
RandomNgayon ko lang napagtanto ang pinakamalaking pagkakamaling ginawa ko sa buhay ko. - Aphrodite
