Chapter 41: Finding out

Comenzar desde el principio
                                    


"Oo, Darren I'm still married to you. But that marriage ended years ago. The moment I found out that the rumors are true regarding you having a child with Trish... SO now, tell me... who did have a relationship that is not your spouse?..." Hindi na nagsalita si Darren...


Hindi na kayang pigilan ni Ava ang mga luhang pumapatak sa mga mata nya. Agad nyang kinuha ang bag nya at nag madaling lumabas nang opisina nya. Habang si Darren ay nanatiling nakatayo doon. Nag mamadaling lumabas nag building si Ava at dirediretsong pumunta sa sasakyan nya. Pagpasok ni Ava sa sasakyan ay doon na bumuhos ang mga luha ni Ava.


Patuloy parin sa pag iyak si Ava. Ang sakit sakit nang nararamdaman nya. Matagal nyang pilit ibaon sa limot ang mga bagay na nangyari sa kanila noon. Lalo na ang insidenteng yon. Akala nya nalimutan na talaga nya. Pero bumalik sa kanya lahat lahat pati na rin ang sakit na kasama nito. Ilang sandali pa ay may kumatok sa bintana nang sasakyan nya.


"Ma'am Ava, ok lang po ba kayo?" tanong nang guard


Pinahid ni Ava ang mga luhang nasa pisngi nya. "Ok lang po ako Kuya..."sabi ni Ava


"Sigurado po ba kayo Ma'am?" tanong nang guard


Tumango si Ava. "Opo, ok na po... aalis na nga po ako... salamat po..." sabi ni Ava... Ilang sandali pa ay umalis na si Ava sa parking lot. Hindi na sya masyadong umiiyak kaya, kaya na nyang mag maneho pauwi.

.

.

Lumabas si Darren nang building at lumapit sa guard. "Kuya, nakita mo ba si Ava?" tanong ni Darren


"Si Ma'am Ava po ba Sir? Opo, kaaalis alis lang po. Nilapitan ko nga po, kasi nakita ko pong iyak sya nang iyak sa loob nang sasakyan nya..." sabi nang guard


"Eh ano daw pong sabi nya?" tanong ni Darren


"Ok na daw po sya. At yun po, umalis na sya..." sabi nang guard...


Pumunta si Darren sa security department nang building. Tiningnan nya ang CCTV video nang mga cameras na nakalagay sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan ni Ava. Maganda ang quality nang camera nila kaya maayos ang pagkakakuha sa video. At dahil hindi tinted ang sasakyan ni Ava, kitang kita syang umiiyak sa loob nang sasakyan nya.


Darren really felt bad, dahil umiiyak si Ava. Simula nang magkahiwalay sila years ago. Hindi pa talaga sila nag uusap nang maayos, as in malinaw na pag uusap. He really wants to fix everything between them, pero sa tuwing sinusubukan nya ay nag aaway lang sila.

.

.

Pag uwi ni Ava ay sinalubong agad sya nang anak. Agad nyang kinarga ito at pinag hahalikan. "Mommy, are you crying?" tanong ni Vya


"No honey, there just something caught in my eye. That's all..." sabi ni Ava


Nanatili lang sa bahay si Ava kasama ang mga bata. Dahil umalis ang Ate nya, sya muna ang nag alaga sa anak at pamangkin nya. Baby sitting is not an easy task. Lalo na kung 2 malilikot at makukulit na mga bata ang babantayan nya. Pero Ava can't stay in one place na walang ginagawa. Kaya naisipan nyang umalis, at isinama nya ang mga alaga nya.

WANTED: WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora