Chapter 20: Night 6

Start from the beginning
                                    

Sa mga sandaling ito ay tanging tinig lang ni Shane ang maririnig. Panay ang kwento niya pero hindi naman siya pinapansin ni Stacy.

Pinagmasdan ko si Shane, hindi ko alam kung tanga talaga siya o may lihim siyang itinatago. Mukha siyang happy-go-lucky type of person.

"Our game will start in 5 minutes! The doctor decided to save Raven tonight!"

Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo at naglakad, bago ako makalabas ay sinabayan ako ni Crystal. "Good luck sa atin Owen!" Nakangiti niyang sabi sa akin at naunang tumakbo.

"Bro, good luck! Be safe," Sabi ni Caleb.
Bakit pakiramdam ko ay ang espesyal ko nung sinabi nila iyan?

"Nagulat ka bas a mga sinabi nila? Kaibigan kasi ang turing nila sa'yo," sabi ni Raven na ngayo'y nasa aking tabi.

"Shut up."

***

Third Person

Pumatak na naman ang kinatatakutang oras nila, ito ay ang oras kung saan magtatago sila upang iligtas ang kani-kanilang mga buhay. "This is our chance to kill Owen," sabi ng serial killer.

"Nakakatuwang umaayon lahat sa plano ko." Sabi ng Mafia at umupo sa isang crate.
"Anong ibig mong sabihin?" Imbes na sumagot ito ay ngumiti na lamang ito sa serial killer.

"Ako muna ang kikilos ngayon, bibigyan ko ng isang regalo si Owen." Mukhang naguluhan ang serial killer kung kaya't napilitan na magpaliwanag ang mafia. "Ang bobo mo. Kumbaga sa chess, bago mo makain ang queen at king. Kailangan ubusin mo muna ang mga pawns."

Nangiti naman ang serial killer, wala siyang ideya sa balak ng mafia pero iisa lamang ang naiisip niya. Mafia is a devil player.

***

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Owen habang inaalalayan si Stacy.

"Mukha ba akong okay? Ang sakit ng puson ko ta's ganyan pa ang tanong mo?" Inirapan ni Stacy si Tomy. "Kung sipain ko kaya 'yang itlong mo then tanungin kita kung okay ka lang."

"Mukhang kakailanganin mo ang tulong ko, Stacy." Nakangiting sabi ni Tomy.

"Ba't naman ako hihingi nang tulong sa'y-" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nung biglang tinakpan ni Tomy ang kanyang bibig at yumuko. Nakasakay kasi silang dalawa ngayon sa umaandar na anchors away. Nasa open space kasi sila kung kaya't risky ito para sa kanilang dalawa.

"We need to leave here," sabi ni Tomy at napalingon sa second floor ng isang café. Nakita niya si Caleb na kumakaway sa kanila. "Doon tayo."

Hinawakan ni Tomy ang kamay ni Stacy tsaka ito hinatak... Tumakbo silang magkahawak-kamay tungo sa cafe.

***

Binuksan ni Caleb ang pinto ng isang cafe, inikot niya ang kanyang mga mata... Walang tao. Kahit na wala siyang taong nakita o naramdaman ay patuloy pa rin siyang hindi gumagawa nang ingay.

In-on niya ang hawak niyang flashlight at naglakad tungo sa second floor ng cafe. Bago pa man din niya ilibot ang kanyang paningin ay napukaw ang atensyon niya sa dalawang tao na nakaupo sa anchors away- Si Stacy at Tomy.

"Ayaw nila sa isa't-isa pero magkasama sila." Pansin niya ang biglaang pagyuko nung dalawa. Alam niyang nasa panganib na ang buhay nilang dalawa nung mga oras na iyon.

Kumaway ako sa kanila upang sabihin na ligtas dito.

"Nahulog ka sa bitag Caleb," Biglang may nagsalita sa likod ni Caleb at hinampas siya nito ng isang bakal.

Killer GameWhere stories live. Discover now