Des (Destiny)-Day 01
Dito na naman sa opisina. Mahaba-habang araw na naman ito panigurado. Tinanghali ako ng gising kasi ang ingay ba naman ng kapitbahay namin kagabi.
Dahil muntik ng ma-late, nagtaxi na lang ako.
Grabeh! Ang lapit lang naman ng bahay namin sa opisina. Kung di lang talaga traffic sa EDSA, eh magcocommute na lang ako! Si Manong driver naman napaka mapanamantala. One hundred twenty four pesos na nga ang metro ko, di pa ko sinuklian dahil wala daw syang panukli sa one hundred fifty ko. Ang lupit ng diskarte di ba? Di na nga ko nakaligo ng mabuti para siguradong di talaga ako male-late, ending idadaan ka pa rin sa matraffic na daan!
Wala na bang tao na tapat at di mahilig manamantala?
Sam (SamJuan)
I had a wonderful day today! On time akong nakarating sa office kahit medyo tinanghali ng gising. Akala ko nga maiipit na naman ako sa EDSA eh dahil rush hour na rin ang uwian ko. Ang bait ng driver ng jeep na sinakyan ko, di ko napansin dalawang nakatuping isang daan pala nabayad ko, pero binalik nya!
Si boss nag-email, kinabahan ako akala ko kasi urgent short notice about sa mga kailangang tapusin sa opisina. Pag bukas ko ng email, forwarded email commendation from a client pala! Sobrang saya ko. I feel accomplished ang fulfilled sa career, sa relationship ko with my family and others.
Excited na naman ako pumasok bukas!
--------------------------------------------------
Des (Day 2)
Haizzssttt... Buti naman di na ko na-late ngayon, nag-alarm na nga ko ng maraming orasan eh. Pero, si Boss ang aga-aga beast mode kagad! Ang hirap naman ng ganito, suko na kong maging "apple of his eyes". Lagi na lang akong flavor of the month! Wala na bang magandang mangyayari sa akin ngayon?
Makapagfacebook na nga lang!
Uy!!! Dami kong notifications ahh... Promoted pala yung classmate ko nung highschool sa work nya! Monthsary naman ng college friend ko at nagpalit pa ng status from in relationship in to enganged". (sad face) At ito si friendship ko at si crush nagkita pala kaninang break time malapit sa office ni friend. Ang sakit. T.T Bagay na bagay silang dalawa talaga! Crush, bakit kasi si friendship ko pa?
Sam (Day 2)
Nakasabay ko sa elevator mga officemates ko. Panay sila kantiyaw sa akin dahil tuwang-tuwa si boss sa commendation ko from the client. Sabi nga nila ako na daw magiging senior manager ni boss eh.
Nagpakain kanina yung ka-opisina ko dahil birthday nya. Ang saya kasi first time ko kumain sa Vikings. Nabusog ako ng sobra dun sa buffet!
Ng-online ako pagkasakay ko ng fx nung uwian, daming nglikes ng pics ko with my boss and officemates. May ngcomment pa nga na ako na daw ang next senior manager. I didn't expect na maraming sang-ayon na ma-promote ako kung sakali!
-------------------------------------------------
Des (Day 3)
Ang sakit ng puson ko pagkagising ko! First day ko pala. Ang hirap maging babae. T.T Tumawag ako sa work force sabi ko magsisick leave ako. Tinanong nila kung bakit, sabi ko may dysmenorrhea ako. Di ako pinayagan, kasi nung kinontak nila boss ko para i-acknowledge ang SL ko eh, cannot be reached naman. Sabi rin ng work force, di naman daw siguro buong araw yun kaya magstay na lang daw ako muna sa clinic at maglagay ng warm bag sa puson. Grabeh! Wala ba kong karapatang magpahinga man lang kahit isang araw lang? Di ko na kasi talaga kaya yung sakit eh, parang madre-drain na ko sa sobrang heavy ng flow ko today.
Pagdating naman sa opisina, di pa man lang ako nakakaupo, bigla naman akong pinatawag sa ng Marketing Head. Sobrang frustrated sa pinasa kong sales proposal. Kahit sa Recto daw di kakagatin ang product design, place at promotions at pricing na ginawa ko.
Ubos na energy ko para ikwento pa ang iba pang di magagandang nangyari sa akin sa araw na ito.
Matutulog na lang ako!
Sam (Day 3)
Kaninang umaga sa sakayan, may magandang SUV car ang bumisina sa likuran ko. Si Tracy pala yun, former batchmate ko nung college sa I.T. Nagulat ako, kasi sobrang posturang-postura sya, ang ganda nya! Mukhang maganda ang takbo ng career at love life. Sinabay nya ako sa Ayala. Ayos! Sobrang komportable at bilis ng byahe ko.
May wifi din pala sa loob ng kotse nya. Kahit nakakahiya, tinanong ko password ng wifi nya. Tumawa sya kasi, unsecured naman daw ito. Nag-online ako at ngcheck ng newsfeed, mukhang masaya naman mostly ang lahat. Except for the lady na common friend namin ni Tracy, si Des.
"If others can be happy, why can't I?", yan ang post nya.
------------------------------------------------
Des (Day 4)
Maaga ako nakatulog kagabi pagkauwi ko ng opisina sa sobrang sakit ng puson ko. 3AM nagising pa ko kasi nakalimutan ko na pa lang magdinner after kong mgpost ng status sa fb.
Ayun, kahit papano medyo di na ganun kasakit yung puson ko. Medyo bloated lang kasi day 2 pa lang ng dalaw eh. Nanaginip pala ako. Akala ko totoo na eh! Sayang di ko nabuo yung magandang episode ng panaginip ko. Sumingit kasi si Mr. Catacutan eh, kahit sa panaginip ko basag trip talaga sya!
Ng-online ako at ngcheck ng newsfeed at notification sa fb. Well, everything seems to be all normal;lahat binibida nila accomplishments at happy days nila. Except one thing ako, di pa rin masaya. Ewan ko ba naman kasi kung bakit ngbubukas pa ko ng facebook eh, di ba sobrang perfect kasi ng mga happenings na pinopost ng mga tao dun eh. Ako, hurting at inggit na naman.
Makapaglog-out na nga. Hmmmm... One comment...May ngcomment pala sa post ko? Sino naman kaya yun? Sam Juan Laykyuson. Sino to? Mutual friend pala namin ni Tracy. Sabi nya sa comment:
"You can't become like the others, but you can be the happiest you."
Sam (Day 4)
TGIF na kaya talaga namang di ako magtataka if mahihirapan akong sumakay ngayon! Friday nights are gimmick nights pa naman para sa karamihan!
Sobrang haba ng pila sa MRT, rush hour eh! Umaapaw naman kahit aircon buses. Unahan sa pagpara ng mga taxi, at parang palengke na rin kasi tindi ng tawaran pag magbababa na ng pasahero.
Dito muna ako sa waiting shed para makaupo sa bench. Birthday nga pala ngayon ni Tracy makabati nga muna! Nanganak na rin pala misis ni Mark, first baby nila for sure super excited sila i-post picture ng newly born baby nila.
Newsfeed loading... Dami na palang laman na greetings sa timeline ni Tracy!
"Happy birthday, Tracy!", -Love, Minerva&Tony
"Manlibre ka naman sistah!",-Hopia, Andrea
"You can't be like the others, but you can be the happiest you. Happy birthday, Tracy!", HappiestMe, Destiny Shine Cruz
Wow, buti naman masaya na si Des! (smiley)
Dumilim ang langit at biglang buhos din ng malakas ng ulan. Lalong titindi ang traffic at iinit naman ang ulo ng mga tao nito. Dito na lang muna ko sa waiting shed, magpapatila muna ko ng ulan.
------------------------------------------------
Des (Day 5)
TGIS! Finally, weekends na talaga! Ang lakas ng ulan kagabi at ang hirap pang makasakay talaga. Buti na lang at patapos na bisita ko.
Dami pa lang umattend ng birthday party ni Tracy. Di na ko nakapunta kasi sobrang sakit na rin ng ulo ko at pagod na pagod na ako. Sumilong na nga lang ako sa waiting shed kagabi eh. Ginaw na ginaw na ko kasi naiwan ko yung jacket ko sa locker sa opisina. Buti na lang gentleman si Kuyang nakatabi ko kagabi. Pinahiram nya ko ng leather jacket. Ang cute nga nya eh. Medyo tahimik nga lang. Di ko na nga tinangkang tanungin pangalan nya , baka kasi naman isipin nya feeling close ako kagad. Dumating na rin kasi yung uber cab na binook ko eh.
Sam (Day 5)
Buti naman di tumagal ng higit isang oras ung malakas na ulan kagabi. Nakaabot naman ako sa dinner sa bahay. Sarap talaga magluto ng beef brocolli ni Nanay! Sakto rin yung luto nyang arrozcaldo na pampainit ng tiyan, ang sarap talaga, nakakawala ng pagod at sakit ng ulo.
Kagabi, may isang babae na sobrang nilalamig na nakisilong sa waiting shed, ang ganda nya at simple lang. Mukhang medyo masungit, pero mukhang mabait naman, tingin ko malungkot lang iyon. Buti na lang dala yung extra kong leather jacket. Actually, di ko pa nga nalalabhan yun eh, nahalata kaya nya?"
Gusto ko sana syang kausapin para mapangiti man lang eh, kaso nahiya ko bigla! Ang ganda nya talaga kasi eh, sana alam nya yun. Ang lakas din sobra ng ulan at medyo ngkakagulo ang mga tao kaya di rin kami magkakarinigan
Iba talaga ang nagagawa ng technology! Super powerful nito! Kahit kasi dalawang di magkakilalang tao napag-uugnay nito eh, kahit di pa man kayo nagkikita. Gaya na lang ni Des (siya yung mutual friend namin ni Tracy). Madalas na medyo malungkot ang mga pinopost nya sa fb. Buti na lang di gaano recently!
Naiintriga tuloy ako bakit kaya ganun sya! Wala kasing pictures man lang na naka-upload sa account nya kahit tipong from mobile lang! Tapos di pa sya pwedeng i-add kasi naka-private pala sya. Yung profile pic naman nya yung mga magagandang wall paper na available online ba?
Ewan ko ba kung bakit pero pakiramdam ko naiintindihan ko si Des kahit di pa man kami nagkikita. Di ko man nahuhulaan kung ano kaya ang itsura at ang personality nya, pero tingin ko magkakasundo kami.
Naku! Gabi na pala, kailangan ko ng magpalit ng pantulog na damit baka magkasakit pa ko nito dahil basang-basa itong polo ko at pantalon kong suot.
--------------------------------------------
Day 7 (Des)
Naku, tinanghali na pala ako! Napahimbing ang tulog ko kagabi ahh... Ang lamig din talaga kasi eh. Linggo na pala at alas otso na ng umaga.
Over all medyo stressful tong week na to pero unlike before pakiramdam ko mas positibo na ko ngayon. Nakakatuwa kasi di na ko ganun ka-affected sa mga notifications at posts sa fb. Hmmm... malamig man at malapit na naman ang Valentines eh, keber lang dahil mas mahalaga pa rin ang hangin kesa lovelife. Haha.. "Kaya Des, inahale, exhale lang at patuloy ang buhay".
Medyo curious ako dun sa mutual friend namin ni Tracy na si Sam. Inaamin ko ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko ng mabasa ko yung comment nya sa post ko. Di ko alam kung bakit, di ko pa naman sya nakikita.
Bakit ganito yung nararamdaman ko ngayon? Para kasing gusto kong makilala ang lalaking iyon eh! Alam mo yung pakiramdam na parang kilang-kilala ka nya sa pananalita nya?
Lunes na naman bukas... Haizsssttt...
Day 7 (Sam)
Ang bilis ng oras, Linggo na naman! Maraming pwede mangyari sa buong linggo. Masaya ako dahil mababait ang mga ka-opisina ko at si boss (kahit may kasungitang taglay).
Naalala ko tuloy yung magandang babae nung isang araw na nakatabi ko sa waiting shed. Medyo unapproachable at tingin ko very private person, pero tiyak kong mabuti syang tao dahil naaaninag ko ang kainosentehan nya sa kanyang mapupuwing at maliliit na mga mata!
Ano ba 'tong sinasabi ko? Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito! Parang gusto kong biglang maging si Superman lately para ipagtanggol at ilipad sa malayang kalangitan ng kaligayahan ang mga kagaya ni Des at nung magandang binibini na nakatabi ko nung kasadsaran ng malakas na ulan.
Lunes na pala bukas! May mapapangiti kaya ko bukas?
KAMU SEDANG MEMBACA
SamJuan's Destiny
AcakHow does it feel to find something you least expect surprisingly and have a big breakthrough in your life at the same time?
