Tindahan

21 1 1
                                        

Back at my childhood days...

Sa isang tindahan kami nkatira nuon ng pamilya ko, bale doon sila nagtatrabaho kasama sa mga employees na mga stay in din. Bago naging tindahan sabi nila dating sinehan daw ito.

Marami na ang nagsasabing may ibang kababalaghan daw ang tindahan lalo na kung may araw na walang ilaw o brownout.. Dati di kami naniniwala lalo na at wala naman kaming nakikita. Pero isang hapon, nang biglang nag brownout syempre ang dilim2 minsan ang gamit nuon ay kandila lang lalo na at wala pang generator sa panahon na yun.

May isang tindera na pumunta sa cr dahil ihing ihi na sya, pero nang lumabas siya bigla syang nawalan ng malay, tawagin nalang natin siya sa pangalan na Faye.

Si Faye ay isang magandang dalaga, morena,mabait, masipag at wala talagang problema ang mga amo sa kanya. Maliban nalang sa isang problema ni Faye sa tuwing darating ang araw na mawalan siya ng malay. Ayon sa kanyang kwento isang hapon, pagkatapos nyang gumamit ng CR at di pa sya nakapasok man lang sa may tindahan biglang nawala ang ilaw at ayon sa sinabi nya, may nakita syang liwanag at napagandang hardin at may isang lalaki na guapo, matangkad, moreno at makisig ang pangangatawan. Medyo matagal na sya nagtrabaho sa isang tindahan maraming kustomer na rin ang nakita niya, pero iba talaga itong lalaki at saka sa tingin nya parang silang dalawa lang dun sa may hardin. Nagtataka man pero binalewala lang nya napatingin sya sa isang lalaki at nakangiti ito sa kanya, sabay nag "hi" ganon din ginawa ni Faye kahit na medyo nagdadalawang isip siyang sumagot nag "hello" na rin sya.
Nagpakilala ang lalaki sa pangalan na Mark, medyo magaan din ang loob ni Faye dito dahil nga sa tingin nya guapo ito at mukha namang mapagkatiwalaan. Parang nanaginip lang siya, namasyal sila sa may hardin atwalang masyadong pag uusap maliban dun sa sinabi ng lalaki ang pangalan niya. Nang biglang nagliwanag at medyo masakit ang mga mata ni Faye dahil pakiramdam niya parang lumilindol ang paligid niya at sobrang ingay habang tinatawag ang pangalan niya.
"Faye!" "Faye!!" Anong nangyari sayo, hinimatay ka at nawalan ka nang malay! 'Yun ang narinig ni Faye sa kasamahan niyang tindera umiiyak ito at parang takot na takot nakatingin sa kanya. "Aaghhh! anong nangyari?" 'yun lang ang nasagot ni Faye.
Nagising si Faye na masakit ang buong katawan niya at medyo tulala na parang wala sa sarili. Kaya sinabihan nalang siya ng kasama niya na huwag muna pumasok sa tindahan baka himatayin ulit dahil yun daw ang utos ng amo nilang babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TindahanStories to obsess over. Discover now