Proem

12 0 0
                                        


Sa pagbaba ni Maura sa sinakyang shuttle ay agad tumambad sa harapan niya ang mga naglalakahing gusali. Hindi na ito bago sa paningin niya subalit iba ang pakiramdam niya sa gabing ito-- marahil ay dahil din ito sa nag-gagandahang mga kulay at ilaw sa kanyang paligid.


Hindi nagtagal ay tumunog ang kanyang cellphone. Umaasa siyang galing sa ama ang text message dahil ayaw niya talaga ng pinaghihintay. Hindi naman siya nabigo.


Nasa meeting pa ako. I'll send someone to pick you up.


She sighed. Kahit kailan ay hindi talaga tumutupad sa kasunduan ang ama. Nag-usap kasi sila thirty minutes ago na susunduin siya ng ama sa paborito nilang coffee shop ngunit ngayong last minute na ay nagbago nanaman ang plano. Naiinis ang dalaga sa mga ganitong klase ng tao, palibhasa ay napaka-straighforward niya at pefectionist maslalo na sa schedules.


Habang naghihintay sa kung sinomang susundo sakanya ay naisipan niyang bumili muna ng kape and lit a cigar. She doesn't usually smoke-- only when stressed and confused. Right now stressed out siya dahil nagcancel siya ng mga plano just to meet with her dad. at the same time, she's confused dahil hindi naman madalas magpabisita ang ama ngunit ngayon ay nangungulit ito... after so many months.


"Maura Lacour?" Nawala sa malalim na iniisip ang dalaga nang marinig ang kanyang pangalan. Nilingon niya kung sino ang tumawag sakanya.


Tumingin ang lalaki sa kapirasong papel na hawak nito at tumingala kay Maura. Nang matitigan ang dalaga nang ilang segundo at bumalik ulit ang tingin nito sa papel. Nag-angat ang mga labi ng lalaki ngunit walang ekspresyon ang kanyang mga mata. "Paint Befort."


Hindi na umimik si Maura nang ipakita ng lalaki ang kanyang hawak na papel-- litrato ito ng dalaga na nakangiti. Mukhang 2x2 ID picture. "Kanina ka pa hinihintay ni tito. Bakit ka nagcommute? Wala ka bang sasakyan?"


"Pain, quit talking and just take me to my dad." Tumayo siya at lalagapasan na sana ang lalaking nasa harap niya ngunit hindi nga pala niya alam kung saan ito nagpark o kung saan sila pupunta.


"Paint, with the T." pagtatama Paint. Natigilan si Maura dahil ramdam niya ang pagngisi ng binata kahit hindi niya nakikita dahil mejo nalagpasan niya ito.


Nilingon niya ang lalaki at nginitian lang siya nito. Hindi niya ma-gets dahil tila pabago-bago ang facial ekspresyon nito. Dumating ito na sobrang seryoso, ngunit nang makita siya ay nagmukha itong nagtataka at biglang ngumisi. Ngayon ay may malaking ngiti na ito na nakapaskil sa mukha, revealing his perfect set of white teeth and evident cheekbones.


"Uy, painom ah?" Nagulat siya nang biglang kunin ng lalaki ang cup of Espresso na inorder niya. "Kingina, alam mo bang inikot ko ata lahat ng greenbelt?" sabay lagot ulit ng kape.


Tinitigan lang ni Maura ang lalaki habanfg tumutungga ng kape.


"DI MO SINABI ANG DAMI PALANG COFFEE SHOPS DITO!" agad nitong pinatong ang kamay sa ulo ni Maura kaya napangiwi ang dalaga. "Damn it woman, you've always been a pain in the ass-- my ass to be exact."


"Tapos ka na magdaldal?" Tinanggal niya ang kamay ng binata sa kanyang ulo at umatras kaunti. Humalukipkip siya pang ipakita ang pagkayamot dahil hanggang ngayon ay hindi parin sila umaalis sa tapat ng coffee shop.


Ngunit deep inside, a familar sentiment hit her system maslalo na nang maramdaman niya ang palad ng lalaki sa kanyang ulo, it was cold. And then what added up to her curioisity was the boy's last line "You've always been a pain in the ass." She pays a lot of attention to grammar at hindi niya pinatakas ang "You've always been"


Always been? Althoug the guy's face looks familiar, she's sure na first time niya itong makita.

Twin SoulsWhere stories live. Discover now