Chapter 1: Kapanganakan ni Aniway

4 0 0
                                        

Sa isang liblib na baryo ay kasalukuyang isinisilang ang isang kakaibang nilalang na nakatakdang sirain ang mundo chos!

Sa isang kubo

"Sige ire pa!" - kumadrona

"Ahhhhhhh- nanay ni Aniway na pangalanan nalang nating Agent xxx. Pagtapos niyang manganak ay nawalan na siya ng malay

***Iyak ng bata****

"Ahh may tiyanak!!!"- kumadrona

"Ha! Nasaan ? "  Lola Leony (nanay ni Agent xxx)

"Eto oh tiyanak ang apo nyo Aling Leonorita. Halika't sunugin na natin o di kaya eh ilibing ng buhay baka maghasik pa ng lagim yan-K (short for kumadrona)

"Its Leony hindi Leonorita ang bantot nun eh.Patingin nga." ( sabay tingin sa tiyanak este sa baby) " Gaga! Pangit lang naman  .Sige na nga't lumayas ka na eto ang bayad oh .Chupi!" - Lola Leony

"Sige na nga ba bye! Ikaw na pala pumutol ng spinal cord este umbilical cord nyan .Guntingin mo nalang mare! Babush! " At umalis na siya

Pagkaalis ni K ay naisip ni Lola Leony na punasan ang anak nya at pagkatapos noon ay nagpahinga na siya pero bumangon siyang muli dahil parang may nakalimutan siya .At naalala nya na nga kung ano iyon ang mahiwaga niyang arinola! Kaya dali dali niya itong kuhanin at nagpahinga na.....

***KINABUKASAN***

Maaga pa lamang ay nagising na si Lola Leony dahil sa iyak ng isang bata. Batang unti unti ng nagiging tiyanak joke! Batang mukang nagugutom na at dahil nga sa isang baryo lamang siya nakatira ay hirap silang makakuha ng tubig .Makakakuha lamang sila ng tubig sa balon na nasa gitna ng gubat o di kaya sa posong palaging may mahabang pila... Nag-iisip si Lola Leony kung saan siya kukuha nang nakita niya ang kanyang mahiwagang arinola at ang isang pack ng nescafe nasambit niya sa sarili na "pwede na to" at sinimulan niya na ngang itimpla ang kape at ang you know na pero subalit sapagkat najejerbaks na si Lola Leony kayat agad muna siyang nagtungo sa bakuran , naghanap ng pala at naghukay ( wala pa silang cr kasi nga baryo pa lamang yun) at umupo na pero subalit sapagkat ulit ay lumabas lang pala ang masamang hangin. Miss call lang pala iyon ng kalikasan kayat bumalik na lamang siya sa loob at pinakain or pinainom or whatevs nya ang bata...

The Misadventures of AniwayMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon