Start?

5 0 0
                                        




Please enjoy!

-----------------------------------------------------------------------------------





Umagang-umaga siya na ang nasa isip ko. Hayy nako! bakit kasi simula ng araw na iyon di na siya maalis sa isip ko. Makabangon na nga lang. Ako nga pala si Reaven del Rosario, 3rd year college BPA student. Wala namang espesyal sa'kin maliban nalang sa meron akong mga magulang na ubod ng yaman. So, nothing more. Nasa banyo ako ng tawagin ako ni nanang.

"Iha! anong oras na bumaba ka na dito at ng makapag-umagahan ka na" sigaw ni nanag sa baba.


"Opo nang!" Si nanang mercing nga pala. Simula nung nagdalaga si mommy siya na ang nag-alaga nito hanggang sa napanganak ako at heto! hanggang sa nag dalaga narin. Sobrang bait ni nanang kaya naturingan na namin siyang second mother namin.


habang nag-aayos ako para sa school biglang nag ring yung phone ko.


Besty calling....


"Hello best! ba't ka napatawag?" ano na naman kaya ang kalokohan nitong babaitang to.

"uhm.. best pag may nagtanong sayo kung san ako sabihin mo may sakit. uhmm... cancer ang sakit. hindi... TB nalang pala. ehhh ang laswa ano nalang LAGNAT. yan! yan nalang"

talagang nag-isip pa siya. Sabi ko na nga ba may kalokohan na naman tong naiisip.


"Ano na naman ang kalokohan ang ginawa mo ha?"

Talagang sakit sa ulo rin to minsan. Well, nakalimutan ko'ng ipakilala siya. Siya nga pala si Daisy Castro. Loka pero maaasahan ko na matalik na kaibigan. Sikat ang mga magulang nito kasi ang papa niya ay sikat na artista at ang mama niya naman ay fashion designer came from france. Kaya kung yaman ang pag-uusapan hindi siya mahuhuli diyan.

"Nabasag ko kasi yung relo ni Alvin. Eh oo nga di niya ako kilala pero alam ko hahanap yun ng paraan para makilala ako."


Nako ang laking gulo ang hinaharap ni besty ngayon. Sa lahat ng paglalaanan niya ng pagka-loka niya eh kay Alvin Montenegro pa talaga. Isa itong sikat sa school namin, 4th year college, engineering ang course. Bestfriend siya ng lalaking matagal ko ng hinahangaan. Siguro hindi na hanga ang tawag dito. Mahal ko na yata ang ito. Si Blake daniel Salvador ang heir ng Salvador inc. na kilala sa buong mundo. Hindi ko inakala na ganoon siya kataas abutin. Kasi maliban sa kayamanan nito ang mapupungay na mata, mataas na pilik mata, matangos na ilong, at napaka-pulang labi nito ay talagang mahuhulog ang kahit sino mapa-babae o lalake pa man.


"best...BEST! OY BEST buhay ka pa?" Natauhan ako bigla ng biglang sumigaw ang lokaret nato.


"Oh? oo na! cge na. bababa nako kanina pa ako tinatawag ni nanang."


"Basta best ha? pag may nagtanong sabihin mo wala ako ha?" talaga to ay!


"OO na! kaya ikaw para di ka magkaproblema ng ganyan. Piliin mo yung mga tao na paglalaanan mo ng kalokohan ha?" Para na akong nanay neto.


"OPO NAY!" talagang! pinatayan pa ako bigla. bumaba nalang ako at dun ko naabutan si nanang sa kusina.


"Iha! pinagluto kita ng paborito mong pancake with strawberry jam sa ibabaw" Talaga to si nanang. Alam na alam niya kung paano ko sisimulan ang araw ko ng may ngiti.


"Salamat nanang! kaya love na love kita eh." sabay halik sa pisngi ni nanang.


"nako tong batang to! sige ubusin mo na yan at tatawagin ko na si edgar at ng mahatid ka na eskwelahan." akmang aalis na si nanang pero di ko ramdam ang magpahatid.


"Nang wag na po! ako nalang po mag da-drive papuntang school."


"Sigurado ka iha? o siya! mag-iingat ka ha? kukunin ko na muna gamit mo sa itaas."


"Sige po. Salamat nanang." Ngiti ang sagot ni nanang sa'kin. Saktong pagbaba ni nanang natapos na ako sa pagkain ko.


"Nanang aalis na po ako ha? Salamat po." hinalikan ko na ito sa pisngi.


"Walang anuman iha." Dali-dali akong lumabas at pumunta sa garahe kasi 7:30 na 8:00 yung start ng klase ko.


pagpasok ko sa garahe ay bumungad agad sakin ang audi TT na regalo sa'kin nung pasko ni daddy. Ayoko talagang magkaroon ng sasakyan kasi maliban sa kuripot ako eh wala talaga akong hilig sa mga ganitong bagay.

Pag park ko sa sasakyan parang may naghihintay sakin sa labas. Parang kilala ko na to ah.

"San bestfriend mo?" Paglabas na paglabas ko yan agad ang bumungad sakin. mala-late nako neto. si alvin lg naman ang nagtatanong.

"Nasa bahay nila nilalagnat" straight ko na sagot. Ayokong ipakita na masaya ako kasi andito si blake eh. as een lahat sila na mag barkada nasa harapan ko.

"Wag na wag kang magsinungaling! Di mo alam kung ano ang kaya kong gawin" Sabi ni blake. Natulala ako saglit kasi kahit na galit siya ang gwapo niya parin.

tsaka ba't ba galit na galit sila?

"Ba't ba galit kayo ha?"

"hindi ka ba sinabihan ng magaling mong bestfriend na sinira niya ang relo ko?" Sa relo lang!! ganyan na makapag react?

"Magkano ba? babayaran ko nalang?" Ang gwa-gwapo nga nila pero ang hahambog!

"Kahit na ibenta mo katawan mo di mo mababayaran yun! Sabihin mo diyan sa magalingmong bestfriend na humanda siya sakin" Pagkatapos sabihin ni alvin nun ay umalis na sila.

Langya ha! kung ibebenta ko tong magandang katawan ko makakabili ako ng 100 na relo niya. Sama ng ugali

kung hindi lg niya talaga kasama si blake nagulpi ko na yun. Pasalamat siya andun mahal ko.

-----

Thanks for reading!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's too much painStories to obsess over. Discover now