Nagmumukmok, nakahiga at yakap yakap ang unan
Isip ay naglalakbay, iniikot ang boung kalawakan
Subalit, biglang may kumatok sa aking isipan,
Ang magsulat ulit ng tula, at ito ay balikan..
Sa mahabang panahon, puso'y tulog at sarado
Salitang pag ibig, piniling sa kahon ay itago
Nagmahal noon na parang katapusan na ng mundo
Biglang naglaho, iniwang umiiyak ang puso...
Nagdurugo ang puso ko nang sinabing mong ayaw ko na
Pero mas nagdurugo ang puso ko nang sinabi mong mahalaga ka
Nagdurugo ang puso ko nang ikaw ay lumayo
Pero mas nagdurugo ang puso ko nang sinabi mong iniibig mo din ako..
Aka nga nila'y sa pag ibig sanayan lang ang masaktan,
Pero kaya pa bang magmahal kung labis kang nasugatan?
Pag nagmahal ka, masanay kang maglakad na mabigat ang paa,
Pero kaya pa bang maglakad kung masakit at nakakapagod na?
Pinapangarap na pag-ibig, unti unting nawawala
Pusong sugatan, hindi alam kung titibok pa ba
Kung iibig man, hindi alam kung saan magsisimula
Pagod na ako't Natatakot na may pumatak ulit na mga luha..
