Napa lunok sya Saka tipid na tumango bago pa simpleng ini iwas ang tingin.

"Baby kay daddy ka daw muna." Mahinang bulong nya kay Gelong naka sobsob sa leeg nya saka nya ito ini abot kay Rolf. Pero hindi ito sumagot, sahalip ay naramdaman nyang banayad na ang pag hinga nito.

"Naka tulog na ho yata." Kiming sabi nya kay Rolf na naka kunot noo.

"Akin na baka ma ngawit ka, I uwi ko na lang sa bahay ng maka pag pahinga ng maayos." Ani Rolf sa baritonong tinig, Saka ini lahad ang mga bisig.

Dahan - dahan naman nyang inilipat si Gelo sa mga bisig ng ama nito, muntik na syang ma off balance kaya na pa kapit sya sa beywang ni Rolf at buti na lang rin maagap sya nitong na hapit sa beywang gamit ang kabilang kamay pero na subsob pa rin sya sa dibdib nito.

Napa pikit sya ng bahagya ng malanghap nya ang pabango gamit nito na dumikit yata sa soot nitong white Lacoste polo shirt, mahilig sya sa pabango kaya di nya na pigilang di bahagyang singhotin ang amoy nito, musky and clean, parang bagong ligo.

Awtomatiko syang napa bitiw ng makarinig sya ng bahagyang tikhim at mabilis na napa tuwid ng tayo at sa gulat nya ay hindi sya naka piyok ng mabilis na bumaba sa labi nya ang labi ni Rolf at dampian iyon ng isang mabilis na halik bago sya nito paka walan.

"Thank you for saving my son's life". Mahinang sabi nito bago tumalikod at nag lakad pa alis, habang sya naman ay na mumula ang mukha at na nginginig ang mga tuhod na napa kapit sa gilid ng mesa.

"Kilig much!" Pa tiling sabi ni Via na bigla syang siniko sa tagiliran, kasabay ng mahabang Uuuuy! Ng mga nasa paligid, lalo tuloy nag init ang mukha nya.

Kagat labing sinamsam nya ang mga gamit nyang nagkalat sa mesa at muling ibinalik sa clutch bag nya.

"Sis, una na ko, gutom na talaga ko." baling nya kay Viang akbay-akbay ni Patrick at kausap ng Doktor.

" Ay sis wait lang, Ano daw yong tinurok mo kay Gelo sabi ni doc?. Pigil ni Via sa kanya.

"Ah, epinephrine po, quick relief for peanut allergies, Pareho po kasi kami ni Gelong allergic sa mani." Tipid na sagot nya. Na pa tango -tango naman ang doktor.

"Pareho pa talaga kayong may allergy sa peanut ni Gelo sis! Bongga! Sigurado kang true ang kwento mo sakin kanina?" Naka taas ang kilay ni Via na ini intriga nanaman sya.

"Gaga! Oo no, it's just a co incidence!" She snapped sabay erap at nag marcha pa labas ng plaza.

Mabilis naman syang sinundan nina Via at Patrick.

"Sis sandali may sasabihin daw sayo si honey pie ko." Ani Via na bahagyang siniko si Patrick at pinanlakihan ng mga mata, tipong may tahimik na pina rarating.

Bahagya naman syang napa hinto at kita nya pang naka kunot noo si Patrick habang na didilat ang mga mata ni Viang naka tingin sa kasintahan, Saka biglang napa ngiti si Patrick at bumaling sa kanya.

"Ah Em, daan muna kayo ni Via sa bahay, mag meryenda muna kayo." Sabi ni Patrick sa kanyang naka ngiti.

"Ha Eh naku wag na, baka malayo ang bahay nyo gutom na gutom na ko eh nilutuan ako ni Vi ng food kanina, yon na lang kakainin ko. " tanggi nya.

"Naku hindi, yan lang bahay namin o." Ani Patrick na itinuro ang maliking bahay sa mismong harapan ng plaza.

"Bahay nyo pala yan?!" Surprised na sabi nya.

"Yes bahay nila yan sis! Kaya let's go na, ginutom rin ako eh, Saka gusto ko ng chocolates I'm sure gusto mo rin yon." Ani Via na ini angkla ang isang braso sa braso nya, habang hawak ng kabilang kamay ang kamay ng kasintahang naka ngiti.

Unexpectedly ExpectedWhere stories live. Discover now