“Nasaan nga pala si Maximo?” bigla kong naaala iyong matandang hukluban na iyon. Mahirap na. Kailangan naming mag-ingat. Hindi maaaring makatunog siya na alam na namin ang kagaguhang ginagawa niya.

“Nagpaalam siya na pupunta sa Canada for business matters.”

I grinned. “At naniwala kang business ang ipinunta niya roon? Siguradong pinuntahan niya roon ang tinatago niyang pamilya. Nabasa mo naman sa mga papel na binigay ko kanina hindi ba? He’s not just an alone old man. May pamilya siya na nagpapakasaya sa pera mo.”

He gritted his teeth. “Yes. He has a family. He betrayed me. inakala ko talagang nag-iisa siya sa buhay. I was overwhelmed that he has no family. Dahil alam kong dahil sa akin, kaya siya walang pamilya. Ibinuhos niya ang oras niya sa pag-aalaga sa akin. But again, I was wrong.”

Huminga ako ng malalim. Ano ba ang dapat kong isagot? Hindi ko madugtunganang sinasabi niya.

“I thought I’m a king. I thought, I am fucking perfect. Not physiscally. But fuck, wala akong kaalam-alam na napakarami kong failures.” He stated.

Nakinig lamang ako. Napansin ko na naman ang paglamlam ng mga mata niya.

“Damn failures. I trusted a wrong person. I took revenge on the wrong person. I hurt you for no reason. I killed David... I’m a disaster. I’m a failure...”

I bit my lower lip as i sared at his wet eyes. Alam kong nasasaktan rin siya. Wala man siyang puso sa pagkakakilala ko, alam ko... nasasaktan siya higit sa kanino man.

“I’m fucking brave. Wala akong kinatatakutan. Wala akong sinasanto. I can do what I want. I’m always on the top. I was like a boss. But now? Look at me, Jilliane. I’m a failure...”

Lumapit ako sa kaniya saka siya niyakap habang nakaupo siya sa swivel chair niya. Isinandal niya ang ulo niya sa may tiyan ko dahil nakatayo ako habang yakap siya. He started to cry. For the second time, I saw tears from this man’s eyes.

“I don’t know what to do... fuck!”

I carressed his hair and sighed. “I’m here. I will help you.”

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka ako tiningala. “Tinutungan mo ba ako dahil involved ang pamilya mo, o tinutulungan mo ako dahil... mahal mo pa rin ako? Answer me, Jilliane. Please.”

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. How can i annnswer him? Seriously?

“Si Maximo nalang ang pamilya ko maliban sa Xbang. Sa ngayon, iniwan ako ng Xbang dahil sa nangyari kay Shawn, at si Maximo, he betrayed me. Sa ‘yo lang ulit ako nakaramdam ng saya at pagmamahal, but I hurt you. Iiwan mo din ba ako? Are you going to leave me? To forget me? To despise me?”

“Xking...” hindi ko alam ang isasagot ko. Ngayon ko lang nakita ang ma-dramang side ni Xking. He’s down and he’s a mess right now. Naiintindihan ko dahil kung ako ang ansa katayuan niya, hindi ko rin siguro alam ang gagawin ko.

He stood up and cupped my face. “I’m not afraid to be alone. But when I met you, I started to be afraid. I understand that you leave me because I hurt you. But please, Jilliane, can you give me a second chance?”

Napalunok ako. Why is he acting like this? Dapat ay tungkol kay Maximo ang iniisip niya. Nanakawan na siya ng properties at pera. Pero bakit masiniisip pa niya ang sa aming dalawa?

“Xking...”

“Please. This is not me but, I’m begging you. I need you.”

I cleared my throat. “Kailangan mo ba ako dahil mahal mo ako, o mahal mo ako dahil kailangan mo ako?” hindi ko naiwasang itanong sa kaniya.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon