Prologue

77 6 0
                                        


Sa plaza sa San Isidro Macalan ay masayang naglalakad si Mariah na may sorbetes na hawak-hawak sa kanyang kanang kamay. Madalas siyang dinadala ng kanyang yaya Sandeng rito kaya kabisadong-kabisado na niya ang buong plaza. Kilala na rin siya ng mga tao na laging dumadayo sa plaza dahil sa pagkamasunurin at kababaan ng kalooban nito. Laging nakangiti at magalang sa pakikipag-usap sa mga nakakatanda ang pinakakinagigiliwan sa kanya.

Sa edad na 8 taong gulang, nagagawa ni Mariah na intindihin ang sitwasyon kasama ang kanyang magulang kung saan di sya gaanong nabibigyang atensyon dahil sa trabaho ng mga ito. Maagang pinaintindi sa kanya ito ng kanyang yaya Sandeng at laging pinapaalala na mahal na mahal siya ng mga magulang nito.

Habang nagduduyan si Mariah, may isang batang lalaking humablot ng kanyang sorbetes kaya siya ay napatayo at sinundan ang batang lalaki.

"O-Oy! Akin yang ice cream na iyan ah? B-Bakit mo kinuha?" Utal na sambit ni Mariah habang nakatingala sa batang lalaki.

"Sa tingin mo ibibigay ko ulit sa'yo ha? Hahaha iyak ka na!" Pangangasar ng batang lalaki habang kinukusot ang kanyang mga mata na umaaktong parang umiiyak. Naramdaman ni Mariah ang unti-unting pamumuo ng tubig sa loob ng kanyang mga mata tila'y kakawala sa ilang segundo.

"I-Ibalik... Ibalik mo sa akin yaaaan! Bad ka! M-May... May laway ko na kasi 'yan e!" Pahintong-hintong bigkas ni Mariah habang tumutulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Ang batang lalaki ay nandiri at inihulog ang sorbetes.

"Ay, nahulog ko. Bili ka na lang panibago." Binigyan ng batang lalaki si Mariah ng tawang nang-aasar bago ito umalis kaya lalo siyang umiyak. Nanatili si Mariah na naka-upong umiiyak. Nagtataka siya kung may ginawa ba siyang masama sa batang lalaking iyon para tratuhin siya na ganito.

Makalipas ang ilang minuto, nakaramdam si Mariah na may naupo sa tabi niya. Kanyang iniangat ang kanyang ulo upang sulyapan ang estrangherong umupo sa tabi niya. Isang lalaking may hawak ng isang kulay pula na lobo na may nakaguhit na smiley face.

"You, stop crying. You'll look uglier if you continue to mourn over this ice cream. You can have my balloon instead. His name is Mr. Balloony." The boy handed Mr. Balloony to Mariah.

"T-Thank you." Mariah wiped her tears and gently smiled.

"You look better with a smile... I'm... I'm James."

"Ako si Mariah. Thank you for this balloon ah? Aalagaan ko siya." The boy replied with a nod.

"Do you want to play? I wanna go try out the swings but I don't have anyone to play with me."

"Tara laro tayo! Pagkatapos nun dun tayo sa slide tapos dun tayo sa seesaw tas laro tayo habul-hubalan ha?!" Napangiti ang batang lalaki at sumunod kay Mariah. Nang matapos silang maglaro, pagod na pagod silang pareho.

"Alis na ako baka hanap na ako ng yaya Sandeng ko." Tumayo sa Mariah na hawak pa rin si Mr. Balloony at nagpaalam na.

"W-Wait!" Napalingon si Mariah kay James.

"Huh? Ano yun?"

"Please take good care of Mr. Balloony, okay?" Pakiusap ni James.

"I will. Alis na ako ah? Bye na!" Masayang nginitian muna ni Mariah si James bago umalis.

~~~


More Than WordsWhere stories live. Discover now