Dedicate ko sayo dahil nabilog mo ng husto ang ulo ko na i-post ko ito! Steffijoy
Jane's POV
-
"Ano na pare? Wahaha! *silence* Oo pare, malapit na kami. Mag-abang ka na."
Sakay ako sa pampasaherong van papuntang school. At ang hayop na driver ay nakukuha pang gumamit ng cellphone habang nagda-drive.
Okay lang sana kung gumagamit ng earphone habang nakikipag-usap sa lapastangan nyang katawagan kaso hindi e! So, yung isa nyang kamay ay may hawak na cellphone at ang isa naman ang may hawak sa manibela.
Sinilip ko kung nagpo-focus na sya sa pagda-drive pero nadisappoint lang ako dahil nagt-text naman sya ngayon!
Talipandas na driver!
Dahil sa may dugo akong bughaw ay nagsalita ako sa mahinahong paraan.
"Manong excuse po, sa pagkakaalam ko po kasi kapag nagda-drive ka ay bawal gumamit ng cellphone"
At alam nyo yung sagot nya?
"Ah ganon ba?" Tapos text ulit.
"Opo. Baka maaksidente daw po kasi."
"Hahaha! Hija, sa tagal ko nang driver, maingat na maingat ako sa pagmamaneho."
Ah ganern ha?
"E kuya, bakit po sa relasyon? Kahit po gaano kaingat ang isa't-isa, dumarating pa rin yung time na nauuwi sa hiwalayan?"
Nakita kong napakunot ang noo ni manong driver kaya naman nilubos-lubos ko na.
"At saka po minsan, kahit gaano ka pa kaingat dumarating pa rin yung time na maaaksidente ka. Parang love? " Huminga ako ng malalim para damang-dama ang hugot! "Ang aksidente hindi mo alam kung kailan, saan, bakit at paano mangyayari. Malalaman mo na lang na naaksidente ka na, kapag nasaktan kana."
Narinig ko ang pagtikhim ng ilan sa kapwa ko pasahero. Nakakaloka! Buti na lang at malapit na ako sa school kaya medyo nawawala na yung uneasy feeling na nararamdaman ko! Haha.
