Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag nya.
Pinindot ko ang accept button at itinapat sa tenga ko ang cellphone ko.
"H-Hello."kinakabahan kong sambit.
"Kiddo. Bakit? May problema ba?"nag-aalala nyang tanong sakin.
Hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung itutuloy ko bang sabihin sa kanya.
"Hey! Is there something wrong?"he asked.
Huminga muna ulit ako ng malalim. Bahala na si Batman!
"Ahm. May sasabihin sana ako."I told him.
Narinig kong napabuntong-hininga sya.
"Akala ko naman kung anu nang nangyari sayo. Didn't you know that Im in the middle of our meeting ng magtext ka na tawagan kita. I was so damn worried kaya pagkatapos agad ng meeting, tinawagan na agad kita."mahabang litanya nya sakin.
Napangiti naman ako. He really cares.
Wag kang assuming! Sigaw ng isang bahagi ng isip ko.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Ahh ganun ba. Sorry. Naabala ata kita."sabi ko nalang.
"Nahh. It's okay. Anything for you, kiddo."then he chuckled.
Hindi ko maiwasang hindi kiligin.
"So, anu nga yung sasabihin mo?"tanung nya.
"Mahal mo ba ko?"diretsong tanung ko.
Wala nang atrasan to!
"Oo naman. Mahal kita as my little sister."sabi nya
"As your little sister lang? Hindi ba pedeng mas higit pa dun?"
"What do you mean?"he asked.
"Kasi ako, Kent. Mahal kita hindi bilang older brother ko."matapang kong sabi.
"What did you say?"tanung nya.
"Hindi mo ba nagets?! Mahal kita!"napasigaw nalang ako bigla.
Hindi sya umimik. Pinipigil kong hindi pumatak ang mga luha ko.
Maya-maya ay nagsalita muli sya.
"Im sorry, Kiddo.I-"
I cut him off.
"Don't call me kiddo! Im not a child anymore!"I hissed.
Masakit! Ramdam ko na kasing masasaktan na ko.
"Ericka... You're too young for this. You're too young for me. Hindi tayo pede."
Napahikbi ako. Eto na yung kinakatakutan ko. Yung maaari nyang sabihin na makakasakit sakin.
"Pero Kent! Im not a kid anymore. Im a lady now. Hindi man ako kasing ganda ng mga exes mo pero I'll assure you, mamahalin kita ng-"
Nagulat ako nang bigla nya kong sigawan.
"Stop this nonsense,Ericka! Alam nating pareho na hindi tayo pede! Im already 24 and you're just 16! Ang pagmamahal lang na kaya kong ibigay sayo ay ang pagmamahal lang bilang isang kapatid! Hindi kita kayang patulan!"
Lalo akong napaiyak. Para akong sinaksak ng isang milyong beses. Napakasakit. Sobrang sobra.
Pilit kong kinalma ang sarili ko at nagsalita.
"Ganun ba? I understand. Sorry sa abala."
"Ericka. Sorry for yelling at you. I-"
"No. It's okay. Bye."
"Wai-"
Hindi ko na pinatapos ang anumang sasabihin nya. I ended the call.
Dun ko na inilabas lahat ng hinanakit ko. Umiyak lang ako ng umiyak.
Nakita kong nagliwanag ang cellphone ko. Tinatawagan nya ulit ako. Hindi ko sinagot ang tawag. Sa halip ay pinatay ko ang cellphone ko.
Panay ang iyak ko. Walang tigil ang patak ng luha ko. Sya ang unang lalaking minahal ko pero nasaktan lang ako.
Kelangan ko ng burahin sya sa buhay ko. Puputulin ko na yung komunikasyon ko sa kanya. Kelangan kong kalimutan sya.
-
Vote, comment and be a fan.
Jin Ae Park
YOU ARE READING
The GUY she Ever First Loved
RandomHindi nya sinasadyang mainlove sa lalaking mas matanda sa kanya ng 7 taon. Kung hindi ba naman sya isa't kalahating tanga na kahit alam nyang unti-unti na sya nahuhulog dito dahil madalas nyang katext o di kaya'y kachat sa facebook ay hindi pa sya t...
