Kapatid rin ang turing ng mga ito sa kanya, pawang graduate na ang mga pinsan at ang dalawang panganay ay kapwa may mga asawa na. ang panganay na si Louisa ay isang midwife na naka pag asawa ng isang ofw sa dubai kaya doon na ito nag lagi kasama ng asawat mga anak ng mga ito, ang ikalawang si Clara ay isang guro at kasalukuyang nag tuturo sa mataas na paaralan ng bayan ng Burgos, I kinasal ito noong naka raang taon.
Nurse ang bunsong si Via pero mas pinili nitong mag duty sa klinika sa bayan dahil hindi maiwan ang kasintahang taga Burgos rin, na ayon dito ay hindi Lang basta ulam kundi may unlimited rice pa sa pagka yummy. Bagay na ikinatawa nya ng husto.
Sa tatlong mag ka kapatid ay Si Clara ang pinaka maganda, napaka puti at ma mula- mula ang kutis, pero may paka chubby ang pinsan. Ang panganay na Si Louisa naman ay de na lalayo ang kaputian sa ikalawa pero medyo dull ang ganda nitong tignan de kasi marunong mag ayos at basta na lang kung manamit. Ang bunsong Si Via ang biniyayaan ng slim na slim na katawan, tipong pang model, mahahaba ang legs at maganda ang tindig, masyado Lang sinawi sa chest department pero keri lang dahil mahusay naman itong manamit at mag make up kaya kahit de sing ganda ni Clara ang mukha ay maka agaw pansin ito.
Noong bata pa sya ay madalas sabihin ng mommy Mona nya na sya ang pinaka maganda lalo na pag tinutukso syang negra at ulikba ng mga pinsan. Ang lagi nya raw tandaan na black is beautiful. In fairness ng mag dalaga nga sya ay higit syang gumanda kesa sa tatlong pinsan.
Sa mga parteng pumalpak ang mga ito ay lahat nyang na salo, pinaka maganda ang mukha nya sa tatlo, sya ang biniyayaan ng sobra sa chest department, makitid at ma korba ang beywang nya na binagayan ng bilugang balakang at mahahabang hita at binti, de man sya maputi katulad ng tatlo ay ubod naman ng kinis ang balat nya bagay na madalas ka inggitan ng tatlo, de nya kc naranasang ma mroblema sa kutis noong teenage life nya. Sabi nga ni Via kung nagkataong maputi sya talbog silang lahat.
Punuan sa jeep na byaheng burgos ang haba ng pila, buti na lang ng sya na ang sasakay ay bakanteng jeepney pa ang sasakyan nya, agad syang pumasok at pumwesto sa likod ng driver habang kandong ang overnight bag nya pati na rin ang box ng red ribbon cake na binili nya kanina malapit sa estasyon ng jeep. Mahilig sa cake ang mommy Mona nya kaya naisipan nyang bilhan ito ng pasalubong.
Halos 40 mins din ang tinakbo ng jeep bago sya naka rating sa bayan ng Burgos, bumaba sya sa palengke at sumakay sa tricycle at nag pahatid sa bahay nila. Dumaan sya sa eskinita pa pasok sa kanila at na daanan nya ang mga naka tambay na kapitbahay sa dulo ng eskinita, pinag titinginan sya ng mga ito at as usual tila mga bubuyog na nag bulungan, nilagpasan nya ang ito at nag tuloy - tuloy sya sa gate ng bahay nila at pumasok, tangging maliit na tuta Lang ang sumalubong sa kanya.
Napa kunot noo sya, Saka nya na isip na malamang nasa alumni party ang lahat, pulis ang daddy Ruben nya at kapwa highschool teachers naman sina mommy Mona at ate Clara nya at malamang nandon rin si Via. Agad nyang inilapag ang backpack nya sa balkonahe ng bahay at ipinatong sa pasimano ang cake, kung saan di ito ma aabot ng tuta, saka binitbit ang overnight bag nya at muling lumabas ng gate.
" De ka maka pasok? Nasa plaza silang lahat putahan mo na lang." Bigay impormasyon ng isa sa mga nag u umpukan. Tumango sya at nag pasalamat bago ipinag patuloy ang pag lalakad, ng maka rating sya sa main road ay pinag papawisan na sya dahil sa init at nan laglagkit na rin sya dahil sa Byahe sa jeep kanina, pumara sya ng tricycle at nag pahatid sa plaza. Andaming tao sa plaza, tanaw na nya malayo pa sya, pag baba nya ng tricycle ay nakita nyang Mas doble pa ang dami kesa sa ina akala nya.
Medyo na conscious sya ng pumasok sya sa loob, bihis na bihis ang mga tao, pawang mga naka semi formal, habang sya ay naka soot ng itim na loose muscle shirt na may drawing ng american eagle sa harap,more likely the american seal, maluwag ang tabas ng armholes,showing both sides of her red lacy bra and almost the curves of her waist. The front of her shirt is loosely tucked in infront of her high waisted skimpy maroon destroyed shorts na konting deperensya para de lumabas ang panty lines nya, showing her long beautiful pair of legs. On her feet is a pair of her favorite tasseled ankle boots with two inches heels. Her hair is messly tied in a bun, her lips are painted in deep maroon red lipstick, while her eyes are covered with a pair of original green rayban aviator shades na regalo ng favorite ate nyang si Louisa nong Eighteenth birthday nya.
YOU ARE READING
Unexpectedly Expected
RomanceTruth or Dare?! A childish game that she played one faithful summer night, and before she could think, the word dare came out of her mouth and the next thing she knew she was kissing a random stranger in that crowded bar. Emmanuelle was never bee...
Part 3
Start from the beginning
